CHAPTER 50

321 21 0
                                    

FIFTHY

Monthsary na nila..

Masayang lumabas ng kanyang sasakyan si Elmo. Dala ang isang long steemed white rose gaya ng bilin ni Julie.

Dumeretso sya sa classroom kung saan nagtuturo ng art ang dalaga. Sumilip muna sya sa room. Namangha sya sa nakita.

Me ginagawang art project ang mga bata at isa-isang inaalalayan ni Julie ang mga ito.
Nakasuot ang ang dalaga ng simpleng above the knee white dress naka-ponytail ang mahabang buhok nito. Walang bahid ng make up mukha nito at wala ring suot na alahas ang dalaga maliban sa puting Unisilver wristwatch.

Para kay Elmo si Julie ang pinakamagandang babae nakita nakita nya sa tanang buhay nya..

"Plain & Simple yet beautiful!" kumento nya sa isip.

Pinagmamasan nya ito habang abala ito sa pag-aalalay sa mga bata. Napakasaya nito sa piling ng mga bata. Halatang mahal na mahal nito ang propesyon.

Dahan-dahan syang pumasok sa silid at deretsong nakamasid lamang sa dalaga. Hindi napansin ang mga batang nakatingala, wondering kung sino sya at bakit nya inaabala ang klase nila.

Napatingin si Julie mula sa ginagawang pag-alalay sa estudyanteng nahihirapan sa project, At nakitang papalapit na si Elmo dito. She genuinely smiled at him.

Nakangiti at deretsong nakatingin si Elmo kay Julie. Pakiramdam ni Elmo sila lang ni Julie ang tao sa mundo nang mga oras na iyon.

"Happy?" tanong nito nang makalapit sya. Nasa harapan sila ng klase and now they're standing face to face.

"Of course. And it's because of you." nakangiting sagot nya sabay abot nya sa rose. "Eh ikaw masaya ka ba?" sya naman ang nagtanong.

"Yes. Very happy." sagot nito saka inamoy-amoy ang rose.

Malakas na palapakan at hiyawan ng mga estudyante ang nagparealize sa kanya na hindi lamang pala sila ang tao doon.

"Kiss! Kiss!" sigaw pa ng mga ito.

Nakatinginan ang dalawa. Ang akala ni Elmo ay tatarayan sya ni Julie pero kakaiba ang mood nito ngayon. Nakatingin lang ito sa kanya lovingly, na para naghihintay ito na mahalikan nya.
Ngumiti sya at buong pagmamahal na ginawaran ito ng halik sa pisngi.

"I would have loved to kiss you on the lips, pero me may mga batang nanonod baka mamaya...ma-rated SPG pa tayo dito." natatawang bulong nya.

Natatawang hinampas nito ang balikat nya. Maya-maya'y yumakap ito sa kanya.

Nagpalakpakan naman ang mga batang nanonood sa kanila.

Meant To Be..My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon