THIRTY ONE
Katatapos lang maligo ni Elmo nang me kumatok sa pinto ng kanyang kwarto.
Nakatapis lang sya ng twalya nang buksan buksan ang pinto.
Nakita nya ang dalagitang katulong nila ang nasa labas nito."Good morneng, Koya Ilmu!" bati nito.
"Yes, Nini?" tanong nya.
"Ah, koya, redi na ang almusal nimo sa baba. Nandon na den ang mami at dadi mo." sabi nito.
"Okay, pakisabi magbibihis lang ako." akma nyang isasara ang pinto nang magsalita uli ito.
"Koya, kukunin ko lang yung maruruming damit nimo maglalaba kase si Manang Glorya ngayon."
Pinapasok nya si Nini sa loob ng kwarto.
"Pakikuha nalang yung hamper sa banyo. " sabi nya.
Dumeretso ito sa banyo sa loob ng kwarto nya. Sya naman ay umupo sa kama at nagcheck ng messages sa phone nya. Ilang sandali pa ay lumabas na ito ng banyo dala at maruruming damit nya.
"Nini." tawag nya. Nagte-text sya at di tumitingin dito.
"Bakit Koya?" Napahinto sa paglabas ng kwarto nya.
"Isarado mo ang pinto." utos nya habang busy parin sa pagtetext.
Biglang nabitiwan ni Nini ang dalang dalang damit. Napatingin sya dito at nakita nya ang takot sa mga mata nito.
"Huwag po, koya! Koya, wag po!" takot na sabi nito.
Nagulat sya sa ibig ipahiwatig nito. "Ano ka ba Nini? Sabi ko isarado mo yang pinto paglabas mo." natatawang sabi nya.
"Ah eh.. ganun po ba? hehe.. Akala ko kasi.." kakamot-kamot sa ulong sabi nito.
"Oo ganun nga. Kung ano-anu kasing mga teleserye ang pinapanood mo" natatawang sabi nya.
"Sori po koya.." nahihiyang sabi nito saka kinuha ang mga damit at yuko ang ulong lumabas.
Naiiling na sinarado ni Elmo ang pinto at nagbihis.

BINABASA MO ANG
Meant To Be..My Destiny
FanficSerendipity.. Destiny.. OR.. Meant To Be? This is my second JuliElmo Fanfiction Story. Hope ya'll like it! ;-)