CHAPTER 40

398 21 2
                                    

FOURTY

Kinabukasan.. maagang pumuta si Elmo sa DSLA. Dala ang peace offering nyang orange tulip na favorite flower ni Julie. Pagdating dun ay deretso sya sa rooftop kung saan naroon ang dalaga at nagpipinta.

Dahil busy ito sa ginagawa hindi nito napansin ang pagdating nya. Kaya dahan-dahan syang lumapit dito sa dalaga at niyakap ito mula sa likod pagkalapit nya.

Nagulat naman si Julie sa ginawa nya pero nagpatuloy parin ito sa pagpipinta.

"Talagang galit pa rin sya sa'kin." sabi nya sa isip.

"Sorry po, kamahalan." malambing na bulong nya sa tenga ng dalaga.

Bagama't kinilig si Julie sa sweet gesture na ipinakita ni Elmo ay hindi sya nagpahalata. Nagkunwari syang walang narinig at busy sa pagpipinta.

"Kamahalan, sorry na please..wag ka nang magalit sa'kin oh." pabulong na sabi nya habang yakap pa rin ang dalaga.

Lihim namang napangiti si Julie pero patuloy parin sa pagbi-bisi-busyhan.

"Buhay ko'y nasayo..
Matitiis mo ba ako, oh Julie..
Wag sanang, magtampo..
Sorry, pwede ba?" pagkanta ni Elmo.

Humarap si Julie sa kanya at ngumiti.

"Uyy.. ngumiti sya, ibig bang  sabihin nyan bati na tayo?" namimilog ang mga matang tanong nya.

Nakangiting tumango ang dalaga.

"Yes! Whoo.. Bati na kami!!" masayang sigaw nya sabay mahigpit na yakap sa dalaga.

"Basta wag mo nang ulitin yun ha?"

"Promise. Di na ako nakikipag usap sa ibang babae dahil ayokong magselos ka--"

"Anong naseselos ang pinagsasasabi mo dyan?" mataray na tanong ni Julie

" E di ba kaya ka nagalit sa'kin dahil nakita mo kaming nag-uusap ni Patrice at nagselos ka" sabi nya na may pilyong ngiti sa labi.

"Ako nagselos?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Julie. "Hindi ah!" tanggi pa nito

"Weh di nga!" tukso pa ni Elmo.

"Hindi talaga! Kaya lang naman ako sa nagalit sayo ay dahil hanap ako nang hanap sayo, yun pala.. Busy ka sa pakikipaglandian kay Patrice Gaunzon." nakairap na sabi nito.

"Ayun.. Lumabas din ang totoo nagseselos ka nga."

"Eeeh.. hindi nga eh. Ang kulit mo!"

"Aminin mo na kasi.. tayo lang naman ang nandito oh!'

"Ugh! nakakapika ka na ah! Baka gusto mong magalit uli ako sayo?" banta nito.

"Ikaw naman di mabiro. Ito nga oh, me dala pa akong tulip para sayo." sabay abot ng bulaklak sa dalaga.

Napangiting inabot nito ang  bulaklak mula sa kanya.

"Ah syang nga pala kamahalan, susunduin kita dito after work ah?" maya-maya'y sabi nya.

"Huh? Bakit? Saan ba tayo  pupunta?" maang na mga ni Julie.

"Magdi-dinner tayo with my parents. Gusto ka daw makilala ng Papa ko." sabi nya.

"O--kay." medyo kinakabahang sagot ni Julie. First time nya kasing makaharap ang ama ni Elmo.

A/N: Ano kayang mangyayari sa dinner nila?

Abangan..

************

Kagabi ko pa sana ito ipopost kaya lng nagloko na naman c manong WiFi! Kainis..!!

Anyways.. Belated Happy 6th Anniversary JuliElmoes!! <3<3<3

#SixcredibleYears ;-)

Meant To Be..My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon