THIRTY
"Earth to Elmo, do you copy?"
Parang biglang natauhan si Elmo nang marinig ang boses ni Drake."Sorry, bro. Ano na nga ulit yung kinukwento mo?" tanong nya. Nasa Blue's Top sila ngayon at umiinon.
"What's happening to you, Man? The other night umexit ka nang di man lang nagpapaalam sa'min, tas ngayon, para kang baliw dyan na ngingiti-ngiti mag-isa." naiiling na sabi ni Drake.
Natawa sya. "Asus! Masama na bang ngumiti ngayon ha?"
"Hindi. Pero ang yung ngumingiti ka dyan na mag-isa at nakatulala ka pa! Yun ang masama." nawiwierdohang sabi nito.
Natawa ulit sya. "Masaya lang talaga ako."
Ngumisi si Drake. "Talaga lang, Bro? I'm sure babae na naman yan!
Ngumiti lang sya ng makahulugan.
"Yun oh! Sabi ko na eh.. magkuwento ka naman dyan!" sabi kanyang bestfriend.
"Oo, bro. But she's different."
"Weh! Ganyan din ang sinabi mo dati ke Lauren eh." natatawang sabi nito.
"Basta. Iba 'to!" mariing sabi nya.
Naiiling si Drake sa bestfriend. "Okay, iba na kung iba. Pero sino ba talaga 'to? Di ba si Janine yung dine-date mo ngayon?"
"Janine & I are over.. we're over, Man." sabi nya.
"Then tell me, who is this new girl?" nanunukso ang ngiti ni Drake.
Mabilis nyang ikinuwento ang pagkikita nila ni Julie Anne.
"Man, me problema sya, but I don't what it is. Sana sabihin nya sa'kin para alam ko kung pano ko sya matutulungan." naisuklay nya ang kamay sa buhok dala ng frustration.
Drake tapped Elmo's shoulder. "Bro, madami pang ibang babae dyan. Ba't mo pagtiyatiyagaan ang isang babaeng problemado na lasengga pa?"
"Wala naman ako pakialam kung lasengga sya eh! Gusto ko syang tulungan." medyo napalakas ang boses na sabi ni Elmo.
"Okay, okay Pero yun 'lang' ba talaga ang gusto mo?" tanong ni Drake.
Bumuntung-hininga si Elmo. "Fine. Gusto ko talaga sya! Kahit na di ko alam kung may patutunguhan ba 'tong nararamdaman ko, di ko rin alam kung pagsasawaan ko din 'to. Hindi ko alam. Basta, Bro, isa lang ang alam ko't sigurado ko. Gusto kong pawiin ang lungkot o problema nya, kung anuman yun!"
Naiiling na nakikinig lang si Drake. "Tsk, tsk, tsk! Tinamaan na talaga sa puso itong bestfriend ko. Sapul!" sabi ni Drake sa isip.
"Hahaha.. Lakas ng tama mo bro!" natatawang sabi ni Drake.
"Huh? Di pa'ko lasing no! pangalawa ko palang 'to." sabi nya at bahagyang tinaas ang bote ng beer.
"Hindi naman tama nyang beer na iniinom mo ang tinutukoy ko, kundi..yung tama mo dito." sabi ni Drake sabay turo sa tapat ng puso ni Elmo.
Naiiling nalang si Elmo sa bestfriend.
TBC..
Happy JuliElmo day Faneys!! ;-)
Spread The Love <3
BINABASA MO ANG
Meant To Be..My Destiny
FanfictionSerendipity.. Destiny.. OR.. Meant To Be? This is my second JuliElmo Fanfiction Story. Hope ya'll like it! ;-)