CHAPTER 51

320 21 0
                                    

FIFTHY ONE

"Are you sure you've never done this before?" kinakabahang tanong ni Julie.

Kasalukuyan silang nakatayo 165 ft. high on a mobile crane sa beach resort kung saan sila unang nagkita. Dito sila magba-bungee jumping. Pagkatapos ng klase ni Julie ay nagpalit lang ito ng T-shirt at jeans at bumiyahe na sila patungong batangas.

"You need to put this tighter." turo ni Lance ang bungee jumping operator, sa mga body at leg harnesses nila. Tandem bungee jump ang gagawin nila. Sabay silang magba-bungee jump at magkaharap ang kanilang posisyon.

"Okay." sagot ni Elmo at sinikipan ang kanyang harness.

Bumaling sya ke Julie."Nope. It's my first time to bungee jump and I'm so excited! How about you?" tanong nya.

Ngumiwi ang dalaga. Sa itsura palang ng mukha ay halatang kinakabahan ito.

"Okay, I think we're ready to go" ani Lance matapos nitong i-double check ang mga safety harnesses nila. "A couple of instructions lang, you're about to do a tandem jump. You have to be careful kasi baka magka-untugan kayo. Saka relax & enjoy the rush. That's it! See you at the bottom! Enjoy!" yun lang at iniwan na sila nito.

Meant To Be..My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon