CHAPTER 35

401 19 0
                                    

THIRTY FIVE

Dumeretso na si Elmo ke Julie sa DSLA pagtapos ng kanyang  trabaho. Nakipagkwentuhan muna sya saglit sa mga staff bago pumunta sa roof top kung saan nandun ang dalaga. Ibinilin daw nito papuntahin sya dun. Nalaman rin nya mula sa mga ito pag-aari pala ni Julie ang school.

Nakita nya ito abala sa pag-i-sketch sa sketch pad. Hindi nito napansin ang pagdating nya. Marahil ay absorbed na absorbed ito sa ginagawa. Malaya nyang pinanood ito.

Habang pinagmamasdan nya ito, a realization hit him. Unti-unting nahuhulog nya dito.

"I think I'm falling in love with her!" di mapigilan ni Elmo
ang mapangiti dahil sa naisip.

"Hey, andyan ka ka na pala." nagulat sya sa pagsasalita ni Julie. Hindi nya ito napansin kasi space-out naman sya.

Ngumiti lang sya dito."I didn't know na marunong ka palang magsketch."

"Minsan nagpe-paint din ako, pero hobby lang 'to. I teach art subjects here, pag may free time saka lang ako nag-i-sketch or nagpe-paint."

"Pwede ko bang makita yang sketch mo?"

"Sure. Halika dito."

Lumapit sya rito.  Ipinakita nito sa kanya ang kakatapos lang na sketch ng isang lalaking naka-sumbrero at naka-amerikana pero malabo ang mukha.

"What do you think?" tanong nito.

"I think you've done a pretty good job." komento nya.

Ngumiti ang dalaga.

Humirit sya ng tanong. "Pero bakit malabo yung mukha?"

Hindi ito kumibo.

"Julie, I know something's bothering you. If you feel like talking, andito lang ako." alok nya.

Tumingin ito sa malayo at bumuntong-hiniga." Until now naalala ko parin sya.. kahit malabo na yung mukha nya sa isip ko," muli itong bumuntong-hininga.  "But..I don't know if I'll ever get over him."

Natahimik si Elmo, hindi nya alam kung ano ang sasabihin. Ngayon alam na nyang ang ex nga ni Julie ang dahilan ng kalungkutan nito. Hindi lubos na maunawan kung bakit nagawang iwan si Julie ng kung sino mang lalaking yun.

Tumingin si Julie sa kanya at ngumiti. "Let's go get dinner."

Napabuntong-hininga sya saka tumango. Gusto nyang malaman ang tungkol sa past nito, pero mahirap dahil si Julie mismo ay ayaw pag-usapan yun. Hihintayin nalang siguro nya ang araw kung kelan handa na itong mag- open up.

TBC..

**********
A/N: Ung sketch ni Julie nasa multimedia side.
Actually yan ung pinost ni Julie sa IG a day before Elmo's birthday.

Pansin nyo? May kahawig diba? Leeg palang oh!

Hehe..

Meant To Be..My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon