NINETEEN
Ihinito ni Elmo ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang one storey building na may nakalagay na 'Dream Star Learning Academy', isa itong pre-school.
Bumaba ang dalaga, at sumunod sya.
"Dito ka nagtatrabaho?" tanong nya.
"Ah..something like that." kibit balikat na sagot nito.
Magiliw na binati nito ang guard sa ng building. "Manong Ernie, ibinili ko kayo ng pagkain. Eto po o!" nakaniting sabi nito sa guard sabay abot ng pagkain.
"Ay, salamat po Mam!" medyo nahihiyang sabi ng guard.
Pagpasok nila sa loob. Naabutan nila ang cleaning lady. Inabutan din nito ng pagkain yun. Nakipagkwentuhan pa ito saglit sa matandang babae.
Nang dumaan ang ilang staff' ng school ay nginitian at binati ng dalaga ang mga ito."Teka lang," sabi nya sa isip habang pinapanood si Julie Anne na masayang kausap ang mga ito. "Ba't parang sa'kin lang mataray 'tong babaeng 'to? Mabait at sweet naman sya sa ibang tao."
"Maybe you should go back to work." baling sa kanya ng dalaga.
Hindi nya pinansin ang sinabi nito. "Pansin ko lang, bakit pagsa'kin mataray ka? Pero pag sa ibang tao mabait ka?"
Tinaasan sya nito ng kilay."Tss! Imagination mo lang yun."
Nagkibit-balikat na lang sya saka tinignan ang wristwatch. "Julie Anne, I think I'd better go." paalam nya saka nagsimulang maglakad palabas.
"Elmo!" tawag sa kanya ng dalaga.
"Yes?" tanong nyang napalingon.
For the first time ay ngumiti ito sa kanya. Yung hindi pilit, kundi sincere. "Meet me here at 6:00pm. Don't be late. And one more thing.. call me Julie, masyadong mahaba kasi yung Julie Anne." sabi nito bago pumasok sa isang room doon.
Naiwang nakatulala si Elmo. Di sya makapaniwanla ng nginitian sya ni Julie.
"Wow she smiled at me!" nangingiti nyang sabi sa sarili.
Sobrang saya ng pakiramdam nya nang umalis sa lugar na yun.
BINABASA MO ANG
Meant To Be..My Destiny
Fiksi PenggemarSerendipity.. Destiny.. OR.. Meant To Be? This is my second JuliElmo Fanfiction Story. Hope ya'll like it! ;-)