CHAPTER 37

414 20 1
                                        

THIRTY SEVEN

"Anong akala mo sa'kin bata? Sa Jollibee mo lang ako iti-treat. Birthday na birthday ko, pinapainit mo ang ulo ko." reklamo ni Julie habang nasa kotse sila ni Elmo.

Natawa ang binata. "Cool ka lang. Okay?" Naisip nyang bigyan ng surprise kiddie party ang dalaga.

Nagtanong-tanong sya sa ilang staff ng school tungkol sa dalaga at nalaman na mahilig ito sa bata. Kaya nga raw ito nagtayo ng pre-school pagka-graduate nito ng college. Kaya naman ininvite nya ang lahat ng students ng DSLA pati na ang mga parents at mga guardians ng mga ito. Tinulungan din sya ng mga staff ng school sa pag-o-organize.

Kaibigan nya ang may-ari ng isang branch ng Jollibee. Ipinasara nya ang buong second floor ng establishment para sa birthday ni Julie.

"Ang dami nating Jollibee na nadaanan ah bakit mo'ko dinala?" nagtatakang tanong ni Julie habang papasok na sila.

"Basta, you'll see." nakangiting sagot nya habang iginigiya ang dalaga sa second floor.

Madilim ang paligid pagdating nila dun. Ipinitik ni Elmo ang mga daliri and the light went on.

"HAPPY BIRTHDAY MISS JULIE ANNE!" bati ng lahat ng naroon.

Nagulat si Julie nang tumambad sa kanya ang lahat ng estudyante ng school nya. Masayang-masaya ang mga ito. May mga mascots din. Pumaiilanglang na din ang isang masayang music.

Nakairap na tumingin ito sa kanya tapos ay biglang ngumiti.
Tinapik sya nito sa dibdib bago ito sinalubong ng yakap ang mga bata at nakisaya sa mga ito.

Nakangiti nyang pinapanood si Julie habang masayang nakikihalubilo sa mga bata at sumasali sa mga parlor games.

Natutuwa si Elmo dahil kahit hindi sabihin ni Julie, kitang-kita sa mga mata nito ang kasiyahan dahil sa sorpresa nya.

Tuminingin ito sa gawi nya. "Moe, join us!" yaya nito sa kanya habang hinihila ito ng mga bata. Magsisimula na ang larong news paper dance.

Umiiling sya at senenyas na wag na syang isama.

"Sige na, halika na!" pamimilit nito.

Muli ay umiling sya.

"You're dead if you don't come here!" banta nito.

Napakamot ulong lumapit sya sa kinaroroonan ng dalaga.

"We're going to be partners. Galingan mo ha?" sabi agad nito pagkalapit nya.

"Okay." pagsang-ayon nya. Buti nalang at umalis na yung kaibigan nyang may-ari nitong store, kundi ay kantiyaw ang aabutin nya dito.

Nagsimula na ang music umikot na sila ni Julie sa newspaper na nakalatag sa sahig. Paghinto ng music ay agad silang umapak dun. Walang na-out na pares sa round na yun. Tiniklop nila diyaryo at nagsimula na ulit ang music. Napatuloy ang laro hanggang sa 2 pares nalang ang matira. Sila ni Julie at isang pares ng dalawang 7 year old girls. Ang diyaryo maliit na size nalang kasya lang ang mga paa nya.

"Ganito ang gagawin natin, simula ni Julie. "Pag-stop ng music, yang paa mo ang iapak mo sa diyaryo tas aapak ako dyan sa paa mo at hahawak ako sayo. Kuha mo?"

"Tss. Ang bigat mo kaya!" kunyari ay reklamo nya.

Tinaasan sya nito ng kilay. "Me angal ka?"

"Hehe.. wala! Gusto mo buhatin pa kita eh." kakamot-kamot na sabi nya.

Huminto ang music.

Iniapak nya ang paa sa diyaryo, umapak naman ito sa paa nya. Magkalapit na magkalapit ang mga mukha nila. Nagkatinginan sila at awtomatikong pumalibot ang mga kamay nya sa beywang nito. Napangiti sya nang mga sandaling yon, nahiling nya na..
sana ay manatili na lamang sila sa ganung posisyon habangbuhay.

*************
A/N: Asus! c Elmo ayaw pa kunwari pero nag-enjoy dn! #Paraparaan

Anyways.. Happy Birthday
To the one & only JULIE ANNE SAN JOSE!! ;-)

Meant To Be..My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon