TWELVE
Dinala sya nito sa isang cafe. Pagkaupo palang nila ay tinawag na agad nito ang waiter.
"I'll just have black coffee, thanks." sabi nya sa waiter. Marami-rami na rin kasi syang nainom kanina kaya kailangan nyang magkape.
"Coffee?! Okay ka lang?" singit ng babae. Nakangiting bumaling ito sa waiter. "Bigyan mo kami ng 1 bottle of brandy. Thanks."
"Tss. Lassengga yata talaga 'tong babaeng 'to. But she's really beautiful!" Bagay na bagay dito ang suot nitong blue crop top na ternernuhan ng white skort. May bahid pa ng light make up ang magandang mukha nito.
Nang dumating na ang order nila ay agad na nagsalin ng alak ang babae sa shot glass nito saka deretsong tinungga, bago pa sya nakapagsalin sa shot glass nya. Tapos ay nilagyan uli nito ang sariling baso at tinugga ulit. Nangingiwi
ito tuwing dumadaan sa lalamunan nito ang alak."Hindi ko pa pala alam ang name mo." nakangiting sabi ng medyo namumula nang babae.
Nailing naman sya. Dun nya nalaman na hindi talaga sanay uminom ang babae, halatang pinipilit lang.
"Oo nga pala. Medyo hindi kasi naging maganda ang una nating pagkikita. My name is Elmo." sabi nya sabay lahad ng kamay.
"Hi! Elmo from sesame street." natatawang sabi nito sabay kuha ng nakalahad nyang kamay. Tas ay nagsalin ng alak sa baso at ini-straight yun.
"Ah, baka pwede kong malaman ang pangalan mo?" tanong nya.
Mataman lang itong tumingin sa kanya. "You know, Elmo, di naman talaga ako umiinom. Honestly pangalawang beses palang 'to. It's just that... ito lang ang paraan para somehow makalimutan ko.." hindi nito naituloy ang sasabihin. Bigla nalang tumulo ang luha nito.
Nagulat si Elmo nang makitang umiiyak ang babae. Seeing a girl cry makes him sad for a reason. Kinuha nya ang panyo nya sa bulsa at iniabot sa babae.
Inabot nito yun. "Malinis ba 'to?" tanong nito.
Bahagya syang natawa."Naman."
Umiyak ulit ito at tinakpan ang mukha gamit ang panyo nya.
"Please stop crying" pag-alo nya sa babae.
"I'm sorry.." Yumuko ito at bumagsak ang ulo sa lamesa.
Tumigil sya sa pag-inom at tinapik nya ang balikat nito. "Hey, are you okay?" tanong nya.
Hindi ito sumagot. Ni hindi rin gumalaw at wala rin syang marinig na hikbi o anumang sign na umiiyak pa ito.
"Oh no. Not again!" nasabi nya.
BINABASA MO ANG
Meant To Be..My Destiny
FanfictionSerendipity.. Destiny.. OR.. Meant To Be? This is my second JuliElmo Fanfiction Story. Hope ya'll like it! ;-)