THIRTY THREE
"Damn you!" mahinang sabi ni Elmo sa sarili habang nasa daan papunta sa DSLA kung saan nagtatrabaho si Julie.
"Pahamak ka talaga, Moe kahit kelan!" sabi naman ng kanyang isip.
Nagpark sya sa harapan ng school.
Nilingon nya ang ina." Ma, i'll just check if she's there."
"I'll go with you. Baka mamaya kung sino pang babae kuntsabahin mo dyan para magpanggap bilang girlfriend mo!" mataray na sabi nito.
Bigla syang nasamid sa sinabi nito.
"Are you okay, iho?" nag-aalalang sabi nito.
"O--okay lang po ako, siguro dahil lang ito sa..sa sobrang init." pagdadahilan nya.
"Okay, tara na sa loob! " sabi nito saka binuksan ang pinto sa side nito.
Wala nang nagawa pa si Elmo para pigilan ang ina.
Pagpasok sa loob ng school ay agad nyang pinatawag ang dalaga sa isang staff na dumaan sa lobby.
Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na si Julie. Nagulat ito nang makita sya.
Agad nyang nilapitan ito at inakbayan. Nagtatakang napatingin ito sa kanya.Akmang lalayo ito, pero hinigpitan nya pakakaakbay at lumapit sa ina.
Tumikhim muna si Elmo bago nagsalita." Ah, Ma, ang aking KAMAHALAN na si Julie Anne at KAMAHALAN ang Mama ko na si Mrs. Eloisa Magalona." nakangiting pagpapakilala ni Elmo sa dalawa.
Kahit na naguguluhan sa mga pangyayari ay nginitian pa rin ni Julie ang ginang.
Akmang magsasalita si Mrs. Magalona nang biglang mag-ring ang cellphone nito. Kaya nag-excuse muna ito sandali para sagutin ang tawag.
"What was that Elmo?" pabulong na tanong ni Julie ke Elmo nasa di kalayuan lang kasi ang ina nito.
"Sorry, Julie kung di kita na-informed, pero pwede bang sakyan mo nalang? Sila mama kasi--" Naputol ang sasabihin ni Elmo nang makita nilang pabalik na ang ina nito.
"I'm sorry, iha, pero kailangan ko ng umalis. Hinihintay na kasi ako ng mga amiga ko sa meeting place namin. Kaya ako naparito para malaman kung totoo ang sinasabi nitong anak ko na may girlfriend na sya." sabi ng ginang. " But.. it was nice meeting you iha." nakangiting sabi pa ng ginang.
"Nice meeting you din po, Madam!" nakahinga ng maluwag na sabi ni Julie.
"Call me Tita Loi iha, total girlfriend ka na ng anak ko di ba?" sabi nito.
Napatingin si Julie kay Elmo at nakiki-usap ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. "Ah O--opo. Sige po, T--tita Loi." nagkada-utal-utal na sabi ni Julie.
Nakahinga ng maluwag si Elmo.
***********
Sorry for the typo & grammars <3
BINABASA MO ANG
Meant To Be..My Destiny
FanfictionSerendipity.. Destiny.. OR.. Meant To Be? This is my second JuliElmo Fanfiction Story. Hope ya'll like it! ;-)