SIXTY ONE
"Julie Anne.." sambit nya nang makalapit sya sa table ng mga ito.
Gulat na napatingin sa kanya ang dalaga pati na ang lalaking kasama nito.
As usual napakaganda pa rin ng dalaga kahit na simple lang ang ayos nito. Pero napakalungkot ng mukha at mga mata nito.
"Uhmm..Hi Elmo.. Ah.. nga pala t--this is my date, Atty. Benjamin Alves," pagpapakila ni Julie sa ka-date nito nang makabawi sa pagkagulat. "Benj,this is Elmo a..f--friend of mine."
"Friend.." mahina at tila wala sa sariling sambit nya.
"Ganun lang ba talaga ang tingin nya sa'kin sa simula pa lang? " sa isiping yon ay parang nawarak ang puso ni Elmo sobrang sakit na kanyang nararamdaman.
Tumayo ang lalaki at inilahad ang kamay. "Hi Elmo. Bro, please join us." alok ni Benj.
Bumalik sya sa katinuan. "Ah..no, hindi na. Baka makaistorbo lang ako sa inyo."
"No. I insist. I want to meet Julie's friends din. Diba Juls?" baling nito sa dalaga.
Nagkatinginan sila ni Julie. Ang dalaga ang unang bumitiw ng tingin.
"O--oo naman." nauutal na sagot ng dalaga.
Napabuntong-hiningang umupo si Elmo sa bakanteng silya. Tinawag ni Benjamin ang waiter.
"What will you have, Elmo?" tanong ni Benj.
"Pwedeng paki-serve nalang dito yung inorder ko," aniya sa waiter na sya ring kumuha ng order nya kanina. "and.. a scotch on the rocks, please."
"You can drink coffee..I--if you want." mahinang offer ni Julie.
"Scotch on the rocks." ulit nya sa waiter. Hindi nya tinignan ang dalaga.
"So, Elmo alone on a friday night eh? Where's your girlfriend?" nakangiting tanong ni Benj na walang kamalay-malay sa tensyon at awkwardness na namamagitan sa dalawa.
TBC..
#Awkward
BINABASA MO ANG
Meant To Be..My Destiny
FanfictionSerendipity.. Destiny.. OR.. Meant To Be? This is my second JuliElmo Fanfiction Story. Hope ya'll like it! ;-)