CHAPTER 39

341 13 4
                                    

THIRTY NINE

Ikaw, what are you doing here?" sya naman ang  nagtanong this time.

"I'm to pick up my daughter, Trixie. She's a studying at DSLA. Kasama lang nya yung yaya nyang nagpunta dito. Hindi ko sana papayagan yung daughter ko na umattend sa party na'to, me lakad pa kasi kami eh, kaso umiyak sya di namin napatahan. Sabi nya, hindi raw pwedeng ma-miss ang party ng favorite teacher nya." pagkukwento nito.

"Mommy!" masayang sigaw ng batang papalapit kasama ang yaya nito.

"Hi sweetie! did you have fun?" malambing na tanong ni Patrice sa anak nito.

"Yes, mommy! Ang saya po ng party ni teacher Julie Anne." masayang sabi ng bata.

Natuwa si Elmo sa narinig na sagot ng bata. Hindi lang pala si Julie mapasaya nya kundi pati na rin ang mga bata.

"That's good! Sige, mauna na kayo ni yaya sa kotse ha?" sabi nito sa anak.

"Okay." sagot ng bata saka sumama sa yaya nito.

Bumaling sa kanya si Patrice. "Sorry, Elmo, we have to go na. Susunduin pa namin ang husband ko sa airport. Bye!"

"Okay. Bye! Take care!" nakangiting paalam nya. Sinundan nya ng tingin ang papaalis na babae.

Nakangiti pa rin sya nang tumalikod na para bumalik sa kinauupuan. Pero laking gulat nang makita si Julie na nakatayo sa harapan ng table nya.

"Kanina ka pa dyan?" tanong nya.

"Dinalhan kita ng pagkain baka nagugutom ka na. Kaso..parang hindi eh, kasi busy ka sa kausap mo!" nakairap na sabi nito.

"Ah..eh.. thanks! gutom na nga ako eh." patay-malisyang sabi nya.

Tumaas ang isang kilay nito. " We're just friends?"

Nagulat sya. Narinig pala nito ang pinag-usapan nila ni Patrice.

"Patay!" sabi nya sa isip.

"Oh..no.. y--you heard it wrong."

"Wala kang girlfriend?" patuloy na pag-i-interrogate nito.

"Sasabihin ko sana na wala ka dito at nasa CR ka." depensa nya.

"Sunungaling! Me pa-take care take care ka pang nalalaman ah! Kumain ka na. Pagkatapos umuwi ka na!" maktol nito.

P--pero kamahalan, ihahatid pa kita sa inyo." sabi nya.

"Heh! umuwi kang mag-isa mo!" galit na sabi nito tapos ay iniwan sya.

Sa halip na sundan ang dalaga ay nanatiling nakatayo lang si Elmo at nakangiting wagas. Napagalit nya si Julie, at sa mismong birthday pa nito.
But he felt good anyway. He realize one thing.

"Nagseselos sya.. Nagseselos sya Patrice!" nangingiting sabi sa sarili.

TBC..

************

A/N: Kainis! 11 hours kaming walang kuryente! D 2loy aq nakapanood ng SPS! Huhuhu.. :-(

Meant To Be..My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon