SIXTY
Mula noon ay hindi na nakita o nakausap man lang ni Elmo si Julie. Pinuntahan nya ito sa DSLA pero ang sabi doon ay nag- leave daw ito. Tinatawagan din nya ang dalaga subalit laging out of reach ang phone nito.
Sa tingin nya ay inutusan ito ng ama nito na wag nang makipagkita sa kanya.Itinuon na lamang nya ang sarili sa trabaho at nagsumikap syang pagbutihin yun. Di nya alam kung magpapatuloy pa ang relationship nila ni Julie.
Kumbaga, nasa crossroads sila kung magpapatuloy pa ba ang relasyon nila o hindi na?Pero nakahanda syang gawin ang lahat para lang mapatunayan nya na worthy syang maging boyfriend ng dalaga.
------------
Kakatapos lang nyang umatend business conference sa isang sikat na hotel nang maisipan nyang dumaan muna sa isang restaurant para mag-dinner. Pagkatapos ay magkikita sila ng mga kaibigan nya sa Blue's Top. Matagal na rin kasi silang hindi nagkikita-kita ng mga kabarkada nya mula nang magpaka-busy sya sa kanyang trabaho kaya ng ayain sya ng mga ito na mag-hang out ay pumayag sya.
Pagpasok nya sa loob ay agad na sinalubong sya ng isang waiter at iginiya sya sa isang bakanteng table. Pag-upo nya ay agad ibinigay ng waiter ang menu at kinuha ang ang order pagkatapos ay umalis na ito. Pag-alis ng waiter ay iginala nya ang paningin sa loob ng restaurant.
Medyo madami-dami kasi ang customers nung time na yun kasi nga ay weekend. Me mga magbabarkada, magpapamilya at meron ding mga couples.
Napabaling ang tingin nya sa isang couple na nakaupo sa table na malapit sa glass window ng restaurant. Ang lalaki siguro ay nasa mga early o mid- thrities siguro ang edad at mukhang corporate executive. Nakangiti itong nakikipag-usap sa babaeng ka-date nito. Hindi nya makita ang mukha ng babae pagkat nakatalikod ito sa gawi nya...
Pero parang pamilyar sa kanya ang likod ng babae. Para itong si...
********
A/N: Cno sa tingin nyo ung girl guys?Comment & Vote :-)
Sorry for the typo & grammar
errors.#StillJuliElmo
![](https://img.wattpad.com/cover/64982046-288-k729679.jpg)
BINABASA MO ANG
Meant To Be..My Destiny
Fiksi PenggemarSerendipity.. Destiny.. OR.. Meant To Be? This is my second JuliElmo Fanfiction Story. Hope ya'll like it! ;-)