CHAPTER 53

324 20 1
                                    

FIFTHY THREE

Gabi na nang makauwi sina Julie at Elmo sa Manila.
Naghihintay na naman ang ama nito sa driveway ng bahay.

Inihanda na ni Elmo ang sarili. Hindi naman siguro sya mapapagalitan dahil alas-diyes palang naman ng gabi nang maihatid nya ang dalaga sa bahay ng mga ito. Kahit gusto pa nyang makasama nang matagal ang girlfriend ay niyaya na nya itong umuwi dahil ayaw nyang ma-badshot sa parents nito kapag late na naman silang nakauwi.

"Good evening po sir." bati nya sa ama ng nobya nang makababa sila sa ng koste.

Hindi ito sumagot sa halip ay tinanguan lang sya ng lalaki.

"Ah.. Hinatid ko lang po si Julie. Sige po alis na po ako." paalam ni Elmo.

"Bye Julie." tumalikod na si Elmo para tunguhin ang kanyang kotse.

Napatigil sya nang tawagin sya nito. "Iho!"

"Po?" aniyang napalingon.

"Halika, pumasok ka muna sa loob sandali at gusto ka daw makilala ng asawa ko."sabi nito saka nagpatiuna na sa pagpasok sa loob ng bahay.
Nagtatanong ang mga matang ibinaling nya ang tingin ke Julie na nagkibit balikat. Sumabay na sya dito papasok ng bahay. Naabutan nilang nakaupo sa sa sala si Mrs. San Jose. Hindi tulad ng ama ng dalaga, mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng ginang.

"So, you're Elmo?" nakangiting bati nito.

"Yes, Ma'am. Good evening po. " nakangiti nyang sagot.

"Maupo ka muna, iho." alok ng ginang.

"Thanks po, but I have to go na. May pasok pa po ako tomorrow and I don't to keep you guys late."

"O sya sige. Mag-iingat ka iho."

"Thank you, po!" Bumaling sya sa dalaga para magpaalam.

"Julie, I have to go."

Tamango ito. "Sige, hatid na kita sa kotse mo."

Sumingit ang ama nito. "Ako na. Iha, Sige, magpahinga ka na."

"Ah.. okay." sang-ayon nito sa ama.

Nahihiyang tinignan sya nito. Good night, Moe." paalam nito sa kanya bago ito pumanhik ng hagdanan para magtungo sa silid nito.

Hinatid nga sya ng parents ni Julie hanggang sa kanyang kotse. Lumingon sya para magpaalam. " Sige po, aalis na po ako." Akmang sasakay na sya sa kotse nang pigilan sya ni Atty. San Jose.

"Teka lang, Iho, gusto lang kitang kausapin." seryosong sabi nito.

TBC..

Meant To Be..My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon