CHAPTER 3

75.5K 829 23
                                    

Lumilipas ang mga araw. Wala syanh pinagbago. Mas lalo pang lumalala. Madalas di na sya umuuwi. 1-2 days. Sobrang nasasaktan ako sa isiping meron na syang iba. Hindi ko matanggap sa sarili ko kapag pumapasok sa isip ko ang ganung bagay.

Tuwing nagtatangka ako magtanong. Tinatanggi nya na agad. Sino ba naman lalaki umaamin na nambabae sya diba?

Alak. Sigarilyo. Barkada. Mga bagay na di nya maalis sa sistema nya kahit ano pa ang sabihin ko. Useless lang. Panalangin ko nalang na di sya nambabae dahil di ko sya mapapatawad. I swear!

Hirap na hirap ang kalooban ko sa kinikilos nya. Di ko akalain ganito sya. Di naman sya ganito nun magnobyo palang kami. Noon ramdam ko priority nya ko pero ngayon. Hindi na... Oo inuuwian nya ko pasalubong paguuwi nya. Ano yun pampalubag loob? Napabuntong hininga nalang ako. In 3 months time malapit na lumabas baby namin. Parang di sya excited. Mas lalong nakakasakit sa kalooban ko na di ko manlang makita sa kanya yun masaya syang magkakaanak na kami.

Nasa terrace ako nagpapahangin ng maramdaman ko dumating na sya. Kaagad ako bumaba para salubungin sya. Hinihintay ko ang paguwi nya gabi gabi. Di kasi ako mapakali hanggat wala sya kaya madalas din umaga na ko nakakatulog kahihintay.

Palapit ako ng palapit ng marinig ko may kausap sya sa phone.

"Nasa bahay na ako. Masaya akong kasama ka. Magkita nalang ulit tayo bukas." Sabe nya sa kausap. Sino kaya yun? Lalaki ba kausap nun. Bakit ang sweet naman ata nila.

Parang dinudurog ang puso ko sa narinig ko. Mabilis ako pumunta sa living room. Kunwari wala akong narinig. Naramdaman ko ang pagpasok nya.

Nagulat sya na andun ako.

"Babe bakit gising ka pa? Anong oras na. Makakasama yan kay baby. Eto oh inuwian kita ng siopao na paborito mo." Nakangiting tanong nya nang makapasok sya ng tuluyan sa living room.

Nakatingin lang ako sa kanya. Poker face...

"Hinihintay kita. Lagi nalang ba ganito ha Marquise?! Araw araw nalang! Tapatin mo nga ako. May iba ka ba?! Ano?! May iba ba?! Kasi kung meron sabihin mo nalang saken atleast alam ko. Di ako nagmumukhang tanga kahihintay sayo! Simula ng maging magasawa tayo, nang ikasal tayo ganito na! Di mo nga manlang ako masamahan sa mga checkups ko. Ni di mo nga alam gender ng anak natin eh." Mahabang litanya ko sa kanya, punong puno pait ang boses ko, ang sakit! Sobrang sakit nang nararamdaman ko. Parang sumabog nalang bigla yun nararamdaman kong sakit.

"Wala akong iba! Pagod ako sa trabaho kaya tigilan mo ko ng kadramahan mo! Napakadrama mo! Wala ka ng ginawa kundi pagisipan ako ng hindi maganda! Nakakabwisit ka na!" Sigaw nya saken na ikinagulat ko.

"Sige matulog ka na. Alam ko pagod ka." Nasabe ko nalang dala ng pagkagulat ko sa reaction nya. Pigil na pigil ko ang mga luhang gustong pumatak mula sa mga mata ko.

Umakyat sya sa kwarto namin. Wala na talaga yun lalaking pinakasalan ko. Wala na yun Marquise na nakilala ko. Hinahanap hanap ko yun lalaking pinakasalan ko. Sobrang sakit. Papatawarin kita ngayon pag-inulit mo pa ang ginawa mo ngayon, iiwan na kita. Sigaw ng isip ko.

Pagpasok ko sa kwarto. Tulog na sya. Pinakialaman ko phone nya. Kinuha ko yun number ng tinawagan nya at saka tinago ko phone nya.

Kinabukasan di nya na naalala ang phone nya. Siguro dala ng hangover. Pumasok sya sa work ng wala ang phone. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon. May mga messages pero blank. Tinawagan ko ang number at isang babae ang sumagot.

"Hello. May I know who's on the line?" Maarteng sagot ng babae sa phone.

"Hi Im Airam Weiss. Wife of Marquise. You send him blank messages. Pwede ko ba malaman kung ano kailangan mo? Nasa akin kasi ang phone nya naiwan nya." mahinahong tanong ko.

"Oh nothing Mrs. Weiss maybe naipit lang ang phone ko sa bag. By the way im Gigi. Personal assistant po ako ni M-marq I mean ni Mr. Weiss po." Nautal na sagot nya saken. So Gigi pala name ng babaeng to.

"Ah ganun ba. Pakisabe nalang sa asawa ko naiwan nya phone nya. I called you kasi I thought importante kaya ka nagmemessage. Its nice meeting you Gigi." Mabait na sabe ko.

"S-sige po. Sasabihin ko po kay Mrs. Weiss, maam." Tugon nito.

Parang sinaksak paulit ulit ang puso ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Iba yun pakiramdam ko dun sa Gigi na yun.

Tama ba lahat ng hinala ko? Iba yun kutob ko habang kausap sya.

Personal Assistant huh...

SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon