CHAPTER 35

45K 472 26
                                    

Madilim ng magmulat ako ng mga mata. Malamig ang simoy ng hangin dala ng bukas na bintana, Kinapa ko ang side table at nakapa ko ang lampshade saka binuksan. Tama ako nasa ibang kwarto ako. Hindi ako nanaginip lang.

Nasaan ako? Tanong ng isip ko.

Lumakad ako papunta sana sa pinto ng mapansin ko na may lalaking nakatayo sa may veranda ng kwarto, umiinom.

Kilala ko ang lalaking yun.

"Macky!" Mahinang tawag ko. Tumingin sya sa direksyon ko.

"Gising ka na pala Airam." Sabi nito.

"Nasaan ako? Bakit mo ginawa sakin to?" Alam ko may nilagay sya sa inumin ko kaya nahilo ako at nawalan ng malay.

"Sorry Airam yun lang ang alam ko paraan para pigilan ka sa mga plano mo. Alam ko bumalik ka para paghigantihan si Marquise. Alam ko ng plano mo. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Masasaktan ka rin at hindi ka magiging masaya sa ginagawa mo." Puno ng emosyon si Macky kita ko sa mga mata nya.

"I love you Airam. I love you so much. Kapag nasasaktan ka mas higit ako. Kaya itigil mo na to. Hindi na kita papakawalan." Patuloy nito.

Tahimik lang ako nakatulala sa kanya. Mahal ako ni Macky!

"Macky alam mo mali ito at kahit ano pa sabihin mo hindi mo na mababago ang isip ko. Buo ng desisyon ko." Puno ng determinasyon na sabi ko.

"Why Airam? Masaya ka ba na maghiganti? Ayaw mo ba mamuhay nalang ng tahimik kasama si Mariam?" Bakas ang galit sa boses nya. "Wala ba ako halaga sayo?" Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko at paghinga sa tanong nya. "Mahalaga ka Macky." Sigaw ng puso ko pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para magsalita.


Tumalikod ako para hindi nya makita sa mga mata ko ang sari sari emosyon na nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito nalang ang epekto nya sakin. Hindi naman dati ganito.

"Ihatid mo na ko Macky." Malamig ang boses na sabi ko.

"No Airam. Kung kinakailangan dito tayo habang buhay gagawin ko mailayo lang kita sa lahat ng sakit. Ayoko mapahamak ka at masaktan kaya ko ginagawa to sana maintindihan mo." Malamig na tugon nito.


"Aalis ako kung hindi mo ko ihahatid." Sagot ko.

"Hindi ka makakaalis dito Airam." Malamig na sagot nya.

Mabilis ako lumabas ng kwarto saka hinanap ang palabas sa lugar na yun. Ayoko magpa-apekto sa presensya nya. Kailangan ituloy ko ang plano ko. Magiging masaya lang ako kung mapaparanas ko sa kanila lahat ng sakit na pinaranas nila samen ng anak ko.

SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon