Kahit di maganda ang nangyari sa amin sa may parking lot tinuloy pa rin namin ni Marquise ang date namin ng araw na yun dahil gusto ko, sumunod na lamang sya.
Off ko ngayon dahil gusto ko muna magisip ng mga bagay na gumugulo saken.
Pinagmamasdan ko ang langit habang nakahiga sa buhanginan pumasok sa isip ko ang itsura ni Marquise, hindi na gaya ng dati, malaki ang pinagbago nya, parang meron sakit.
Buo pa ang loob ko na ituloy ang plano. Isa lang naman ang gusto ko. Makaganti kay Gigi at Marquise sa lahat ng kasalanan ginawa nila saken at sa anak ko, gusto ko maranasan nila ang lahat ng naranasan namin.
Ngayon gabi ko itutuloy ang plano ko kay Gigi. Dito mismo sa rest house. Sisiguraduhin ko masisira ang bait nya sa gagawin ko.
●●●
Nakasetup na ang lahat. Oras na para simulan ko ang plano.
I called Marquise and tell him that we need to talk and settle things up and he agreed.
Next I called Gigi she needs to witness everything in her own two eyes.
I cant wait to see her dying from pain and losing the one she loves.
I smiled at the thought.
●●●
Narinig ko ng busina ng kotse siguradong si Marquise na yun. Lumabas ako agad at sinalubong sya.
"Hi babe! Akala ko malate ka ng dating? Ang dami ko niluto para satin. Special ang araw na to para saken at sayo. " paglalambing ko sa kanya, wala sya kaalam alam sa lahat ng plano ko.
" Syempre basta ikaw mabilis ako darating. Anong meron ngayon? " nakangiting sagot nito.
" Wag ka ng magtanong basta ako ng bahala ok? " sabay kindat at hila ko sa kanya. nagtataka man sumunod nalang sya saken.
Pumasok kami sa loob ng rest house, sabay kumain ng niluto ko para sa kanya.
"Heto oh fruit shake masarap yan try mo. " pilit ko sa kanya habang nakain.
" Sige thank you. napakaswerte ko talaga sayo. " nakangiti at uminom ng shake na ginawa ko.
Pagkatapos namin kumain. Napansin ko na napasandal si Marquise sa pader.
"May problema ba?" nagaalalang tanong ko.
"Napagod lang siguro ko sa dami ng trabaho." umiiling na sagot nya.
"Pahinga ka na muna babe sa kwarto, puro ka kasi work, di ka na nagpapahinga. Samahan kita at bantayan." paglalambing ko pa din.
"Sige babe pahinga ko nalang muna to." sangayon nya.
Napangiti ako ng palihim...
Nakaset ng lahat. Narinig ko ang pagpark ng kotse sa harap ng bahay kaya chineck ko ang cctv na sinetup ko sa buong bhay.
Nakita ko pumasok si Gigi kaya I hit the button play on the dvd.
Nagulat si Gigi.
I recorded every little conversation I had with Marquise and edited and put in one cd.
Pinapakinggan ni Gigi lahat ng naririnig nya.
"Mahal na mahal kita Airam noon hanggang ngayon. Wala ng iba. Kayo lang ang pinakamahalaga para saken."
"Hindi ko minahal si Gigi nagkamali ako sana mapatawad mo ako at bigyan ng chance."
"Mahal kita Airam mahal na mahal."
Sumunod nun ay videos ng bed scenes namin ni Marquise pero sa ibang direction nakaharap ang videocam.
Kitang kita ko ang pagluha ni Gigi. Gusto ko tumawa ng malakas at magcelebrate. Nakaupo sya sa sahig habang nakatakip ang bibig, umiiyak.
Masayang masaya ang pakiramdam ko sa nakikita ko pagluha nya. Kung tutuusin kulang pa ito sa lahat ng ginawa nya saken at sa anak ko.
Nagwala si Gigi habang tulog na tulog pa rin si Marquise sa kwarto. I dont care bout the things she broke.
"Airam nasan ka!" galit na galit na sigaw nya. Nakita ko umakyat na sya dito.
Pumunta na ko sa pwesto ko.
Sa tabi ng natutulog na si Marquise. Nakahubad.
Hinubad ko na din ang robe ko at nahiga sa tabi nya.
Di nagtagal naramdaman ko ang pagpihit sa door knob. Sinadya ko na di nakalock para madali sya makapasok.
Nagmulat ako ng mga mata ko at nakita ang mukha nya habang hawak ang dibdib at umiiyak. Maligaya ko sa nakikita ko sa kanya. Sira na nga siguro ang ulo ko dahil masayang masaya ako sa paghihirap ng iba. Pero di lubos ang saya ko. Dahil kay Gigi palang ito. Wala pa kay Marquise.
Sumugod si Gigi samen ni Marquise. Alerto naman ako kaya di nya ko nagawa hampasin ng vase.
Nabasag sa sahig ang vase at doon na nagising si Marquise. Pinagbabasag ni Gigi lahat ng mahawakan nya. Ako nakatayo at nakatingin sa kanya. Nakaharang si Marquise saken na halatang gulat na gulat sa mga nagyayari. Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Gigi.
"Bakit nyo ginawa saken ang ganito? Minahal kita Marquise at ginawa ko lahat para sayo pero bakit di mo ko nagawang mahalin ng totoo? Ganun ba ko kahirap mahalin? Ganun na ba ko kasama sa paningin mo?" lumuhod sa harap ni Marquise si Gigi.
"Wag mo ko iwan Marquise parang awa mo na. Hindi ko kayang mawala ka saken." pagmamakaawa nito.
"Pasensya ka na Gigi. Oo naging tanga ako noon at hindi nakita kung gaano ko kaswerte aa asawa ko si Airam. Pero natauhan na ako sa lahat at handa na ako ipaglaban sya. Hindi na ako natatakot sa pamilya mo at sa mga banta nyo sa buhay ko, kay Airam at Mariam. Handa ko sila ipaglaban kahit ikamatay ko pa." matapang na sagot ni Marquise.
Ano sinasabe ni Marquise? Nagtatakang napatingin ako sa kanya.
"Sorry Airam di ko nasabe sayo ang lahat. Mahabang paliwanag pero saka na natin pagusapan."... "Gigi tanggapin nalang natin na hindi na maibabalika ng noon, tanggapin mo nalang na si Airam at anak namin ang mahal ko at sila ang buhay ko. Alam ko na rin ang lahat tungkol sayo at sa lalake mo." nagugulat ako sa mga sinasabe ni Marquise. Wala akong idea sa lahat.
"No Marquise! Hindi ako papayag! Akin ka! Kung di ka magiging akin, di ka din mapupunta sa kanya!" nilabas ni Gigi ang baril sa bag nya at itinutok saken at kay Marquise.
"Gigi tama na wag mo gawin to. Tanggapin mo nalang ang lahat." pagpapaintindi ni Marquise.
"Wala ako pakialam sa sinasabe mo! Magsama sama na tayong lahat sa impyerno!" sabe ni Gigi habang umiiyak at humahalakhak na parang baliw.
"Please Gigi dont do this..." pagsumamo ni Marquise pero mabilis na naiputok ni Gigi ang baril kay Marquise.
Bumagsak sa sahig si Marquise. Sakto dating ng mga pulos at tumakbo si Gigi para tumakas.
"Marquise? Please hold on." halo halong emosyon na sabe ko, kahit nakikita kong maraming dugo ang lumalabas di ko magawang maging masaya.
"Airam sorry mapatawad mo sana ko sa lahat." hirap na sabe nito.
"Wag ka ng magsalita. Just hold on ok." sabe ko.
Pumasok ang mga pulis at rescue team.
Planado ko lahat.
Tumakas si Gigi pero nahuli din.
At si Marquise fifty fifty na.
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.