•••MACKY
MABILIS ako pumunta sa hospital na pinagdalhan kay Airam pero wala na sya ng dumating ako. Nagmamadali raw ito umalis. Dalawang oras na itong nakakaalis.
Hindi na ako nagtanong pa at mabilis na umuwi. Nakarating ako sa bahay sa pagaakalang nandoon na ito.
"Macky si Airam!" sigaw ni manang na umiiyak. Na ipinagtaka ko kung bakit.
"Anong problema manang? Anong nangyari kay Airam?" nagaalalang tanong ko.
Tumakbo ako paakyat sa kwarto nya pero wala sya. Sumunod si manang.
"Umalis na sya Macky! Umalis na si Airam..." umiiyak pa rin na sabi nito.
"Ano hong umalis? San daw sya pupunta? Si baby Mariam? Nasaan ho? Ano ho sinabi nya?" sunod sunod na tanong ko, puno ng kaba at takot ang dibdib ko.
"Wala syang ibang sinabi kundi nagpapasalamat daw sya sainyo ng Papa mo sa lahat ng ginawa nyo para sa kanila at nagpaalam na." umiiyak pa rin ito.
Lumakad ako papunta sa closet...
Wala na nga ang nga gamit nila.
Pati gamit ni Marquise?
"Kasama ho nila si Marquise?"
"Hindi. Naunang umalis si Marquise. Hindi sila magkasama."
Nagtataka ako at kinakabahan.
Tinawagan ko si Marquise pero wala sumasagot.
Napaupo ako sa kama na gulong gulo ang isip.
San kayo pumunta Airam.
Bakit biglaan?
Ring ng cellphone ko ang pumutol sa pagiisip ko. Kinuha ko kaagad sa bulsa sa pagaakalang si Airam ang tumatawag.
[ Doctor Sacramento Calling... ]
"Hello Doc.."
"Macky.. Si Airam.. Naalala na nya lahat.."
"Ano ho ibig nyo sabihin Doc?"
"Naalala na nya lahat. Magaling na sya. Wala na sya amnesia."
Wala na sya amnesia. Magaling na si Airam.
Hindi ko nasabe sayo kanina dahil mabilis ka raw umalis. Kailangan nya pa rin ang pahinga. Email ko nalang sayo mga reseta na kailangan nya.
" Sige ho Doc salamat ho. " saka ito nagpaalam.
Magaling na si Airam kaya ba ito umalis kasama si baby Airam?
Galit ba ito?
O kasama nya si Marquise?
Sinundan nya si Marquise?
Sobrang naguguluhan ako. Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko.
Airam bakit mo ako iniwan?
How can I go on with my life without seeing you every single day?
I love you so much.
Kahit makita ka lang masaya na rin sana ako.
Pero ngayon wala ka na.
Paano na ako?
Babalik ka pa ba?
Napaluha nalang ako magisa. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan sa pagkawala nya.
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.