"Babe san mo gusto pumasyal? Out of town tayo." Tanong ko kay Marquise.
Payat na payat na sya. Nanlalalim ang mga mata. Mahina na. Nakaupo sa wheelchair. Kahit ganun kita pa rin ang kagwapuhan nya.
Ngumiti sya. "Good idea." Maiksing sagot nya. Alam ko mahina na sya pero masaya ako na makita sya nakangiti.
Lumapit ako sa kanya. Niyakap ko sya at hinalikan sa noo.
"Masaya akong makita kang nakangiti sa kabila ng lahat. Mapatawad mo sana ko sa masamang binalak ko noon. Makakabawi pa tayo sa isat isa hindi ba?" Nakangiti ako sa kanya pigil ang luha na mapaiyak.
Tumango lang sya at ngumiti ulit saken. Dala ng kahinaan alam ko hirap na sya makapagsalita.
Nagdecide ako na sa beach house sa palawan kame pumunta. Tahimik don payapa at malayo sa gulo. Kasama ang anak namen si Mariam.
•••
Naihanda ko ng lahat ng gamit at dadalhin pagkain.
Hinihintay nalang ang pagdating ni Macky sa kagustuhan na din na Marquise na makasama ang kakambal.
"Babe on the way na si Macky. May gusto ka pa ba dalhin bago tayo umalis?"
"Wala na." Sagot ni Marquise.
May kakaiba sa araw na ito. Iba yun mga tingin at ngiti ni Marquise.
Tahimik na tahimik sya. Lalong tipid na tipid ang sagot.
O guni guni ko lang?
Di ako nakatiis. "Masama ba pakiramdam mo? Gusto mo pagpalivab muna natin to sa ibang araw nalang natin ituloy?" Puno ng pagaalalang tanong ko.
"Ayos lang ako." tipid na sagot ni Marquise sabay ngiti ng tipid din.
Kakaiba talaga.
May lungkot ako nakikita sa mga mata nya na kakaiba kahit nakangiti sya may iba.
Kinakabahan ako at natatakot. Ayoko mawala si Marquise.
Mahal na mahal ko sya.
Di ko pa kayang may mangyare sa kanya.
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.