Lumipas na ang maraming buwan at magiisang taon na ang anak namin.
Walang Marquise na tumatawag at umuuwi samin. Wala talaga kaming halaga sa kanya. Nasa hospital pa rin ang anak namin at naka-admit. Di rin sya macontact ng pamilya nya.
Laging si Macky ang nasa tabi ko sa lahat ng oras. Nakakahiya na din dahil may sarili rin naman buhay yun tao.
Nagaalala ako sa kay Marquise. Pero wala naman ako magawa. Di ko nga alam kung nasaan lupalop na sya ng mundo. Si Macky ang pumalit sa kanya sa kompanya. Simula ng umalis kasi si Marquise maraming trabaho ang kanyang naiwan. Si Macky ang humalili. Nahalata rin ng lahat na sabay nawala si Gigi at ang boss nilang si Marquise. Kaya pinaalam nalang nila na nasa business trips ang asawa ko sa iba't ibang bansa para makaiwas na rin sa tsismis at hinala ng mga empleyado. Kahit busy si Macky dahil dalawang malaking kompanya ang hawak nya. Palagi syang nasa tabi namin ng anak ko oras na kailangan namin sya.
"Airam kumain na muna tayo sa labas. Para maiba naman kinakain mo hindi yun puro pagkain nalang dito sa hospital." yakag ni Macky sakin. "Sige na. Para madivert naman din isip mo. Marelax ka kahit papaano. Bumubuti nanaman ang lagay ni baby eh." pilit pa rin nya kaya wala na ako nagawa at pinaunlakan ko ang paanyaya nya. "Salamat Airam." nakangiting sambit nya saken. Di ko alam bakit sya nagpapasalamat. Ngumiti nalang ako sa kanya.
Siguro dahil sa kabila ng pagtalikod ng kapatid nya sa amin ng anak namin naging tapat pa rin ako at di lumayo sa kanila ng father inlaw ko.
HUMINTO ang sasakyan namin sa tapat ng italian restaurant. Naalangan ako dahil hindi naman ako nakaayos at hindi bagay saken ang ganitong lugar.
"Halika na sa loob." lumabas si Macky ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
"K-kasi a-ano e-eh." nahihiya talaga ako.
"Ok lang yan. Dont worry. Kahit naman ano isuot mo kahit ganyang simple ka lang. Maganda ka pa rin Airam. Kaya wag ka na mahiya, okay? Gutom na rin ako. Kaya halika na sa loob para makakain na." nakangiting ani nya.
Ngumiti nalang ako saka sumunod sa kanya. Nakaupo na kami sa loob ng mahagip ng paningin ko ang isang babae at lalaki na nakapwesto sa sulok. Kilala ko yun lalaking nakatalikod. Kahit di ko pa nakikita ang mukha nya, alam ko at kilalang kilala ko sya.
"Marquise..." biglang nasambit ko ang pangalan nya.
Unti unti akong tumayo at lumapit sa pwesto nila. Sumunod si Macky na marahil ay nagtataka.
Nagulat naman ang asawa ko ng makalapit na ako. Nawala ang matatamis nilang ngiti at napalitan ng takot.
"Marquise... ang tagal kitang hinintay, ni hindi ka manlang tumawag, sabi mo nasa abroad ka para sa business trip pero di ka na bumalik, di mo na kami binalikan, kailan ka pa dumating? Sya ba ang dahilan?" turo ko sa kasama nyang babae na alam kong si Gigi, nakilala ko rin sya na alam kong sya yun babae sa office na kasex ng asawa ko. "Sya ba marquise ang pinalit mo sa amin ng anak natin? Di mo ba alam kung ano ng mga nangyari simula ng umalis ka?" di ko na napigilan ang emosyon ko, napaiyak ako, hinawakan ako ni Macky.
Laking gulat ko nalang ng bigla nalang sinuntok ni Macky ang kakambal nya. Di ako agad nakakilos dahil sa pagkabigla.
"Tama na please let us explain!" sigaw ni Gigi kay Macky.
"Explain what?! The fact that you two are living together?! That you are my brother's other woman?!" galit na galit na sabe ni Macky.
"Bro I can explain all of this. Please wag dito. Nakakahiya!" pakiusap ni Marquise.
"Nakakahiya? Nahihiya ka? Kapal mo rin tawagin ako bro pagkatapos ng ginawa mo sa magina mo! Habang nagpapakasaya ka kasama ang babaeng yan ang magina mo naghihirap! Wala kang kaalam alam sa mga-" galit na litanya ni Macky kay Marquise pero inawat ko na. Ayokong malaman nya ang naging paghihirap namin ng anak ko. Hindi sa harapan ng babaeng pinalit nya samen.
"Macky tama na please. Umalis nalang tayo." sa wakas nagawa ko rin makapagsalita, hinila ko na sya palabas ng restaurant, tahimik nalang akong umiyak ng umiyak nang makapasok sa kotse ni Macky.
"Airam... sorry nadala ako ng galit ko, di ko mapatawad ang kapatid ko sa ginawa nya sainyo, sorry sa lahat ng sakit na dinulot nya sayo. Ako ang nahihiya at nahingi ng dispensa sayo, di ko sya kukunsintihin sa ginagawa nya."
Patuloy lang ako sa pagiyak. Umalis kami sa lugar na yun. Di ko alam san ako dadalhin ni Macky.
Huminto ang kotse ni Macky sa isang lugar.
Seaside...
Lumabas ako ng kotse. Nakasunod lang si Macky saken. Naglakad palapit sa tubig.
Umiiyak lang ako habang nakatingin sa malayo.
Nasa likod ko si Macky.
Bigla niyakap nalang nya ako.
Lalo lang akong napaiyak. Pakiramdam ko. Helpless. Walang kakampi.
At the age of 18 I got pregnant and married.
Lumabas ang tunay na ugali nya.
Womanizer. Mabisyo. Selfish. Nanakit.
I was 19 when I gave birth to my daugther Mariam.
Umalis sya at di na bumalik.
Hanggang sa naospital ang anak namin.
Now my baby is turning 1 year old.
Thats when I realized that all those time walang Marquise sa tabi ko na umaalalay saming magina.
Sa halip pinahirapan nya pa ako, sinaktan at dunurog.
Walang natira para sa sarili ko.
Sa lahat ng oras ang papa at kakambal nya ang nasa tabi ko.
"Airam sana mapawi ko lahat ng sakit na naidulot sayo ng kakambal ko. Sana ako nalang ang sumalo sa lahat ng paghihirap nyo ni baby Mariam. Pero wala akong magawa kundi manatili lang sa tabi nyo." Macky whispered to my ear, pero di agad naabsorb ng utak ko. Di agad nagsink-in ang mga sinabi nya.
Umiiyak pa rin ako. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nilikha ni Marquise.
Hanggang kaibuturan ng puso ko sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.