Nagbago na nga ba sya? Ok na ba talaga kami? O pakita nya lang lahat ng ito? Di ko alam kung maniniwala na ba ako sa kanya. Di mawala wala ang duda ko sa kanya kahit alam kong mali ang pagisipan sya. Sa kabilang bahagi ng isipan ko may nagsasabinh ienjoy ko nalang habang ganito pa ang trato ng asawa ko at iwaglit sa isipan ko ang mga hindi magandang isipin. Wala naman ako iba hiniling sa Diyos kundi sana magbago na sya. Eto na siguro yun. Wala naman masamang umasa diba...
Wala ako kaalam alam na dito pala magsisimula ang lahat.
Akala ko pagnaipanganak ko ng anak namin magbabago na talaga sya ng tuluyan.
Hindi pa rin pala.
Tama ang duda ko.
Nagumpisa nanaman sya umuwi ng lasing. Barkada daw. Pero duda talaga ako. Bakit? Meron ba barkadang lalake na naglipstick at nagpapabango ng pambabae? Or sumasama sya sa bakla? Di nya naman siguro ako ipagpapalit sa bakla? Sabagay wala naman sa personality nya ang pumatol sa bakla.
Tahimik lang ako nun mga unang linggo na nagbibisyo nanaman sya. Umiiwas ako na magaway kami. Nakakaawa naman ang anak ko kung iiwan nya kami.
Lumipas ang buwan. Kalahating taon na patuloy pa din sya. Alak. Sigarilyo. Barkada. Bar. Babae???
Naitanung ko sa isip ko. Di pa ba kami sapat ng anak namin para tumigil sya sa bisyo? May nagawa ba ako kasalanan para gawin nya saken ang ganito? Anong mali? Wala ako maisagot sa mga katanungan ko. Isang paraan lang ang alam ko para masagot ang mga katanungang nasa isipan ko. Malalaman ko rin sagot dyan.
Napabuntong hininga nalang ako. Sikip sa dibdib eh di ko makahinga ng ayos sa sakit na nararamdaman ko.
Hinihintay ko sya dito sa living room. Time check. 3:45 am.
Narinig ko ang sasakyan nya na pumasok. Sa wakas dumating na din ang hinihintay ko. He turn on the lights. Nagulat sya ng makita akong nakaupo at nagaabang sa kanya.
"Babe bakit gising ka pa? Diba sabe ko sayo wag mo na ko hintayin. Marami ako tinapos na trabaho. Tapos yun nayakag nanaman ako ng barkada sa bar. Sorry. Halika na matulog." Sabe agad nya saken kahit wala ako sinasabe.
Nalungkot ako sa mga sinabe nya. Nayakag? Pwede naman tumanggi diba? Hello?! May anak ka na kaya at asawa na naghihintay sayo sa bahay!
Tumingin lang ako. Huminto sya sa paglalakad ng naramdaman nya di ako kumikilos at sumusunod sa kanya.
"Ano pa tinutunganga mo dyan?! Bakit ganyan ka makatingin?! Sa tingin mo nagsisinungaling ako?! Pinagdududahan mo ko?! Sige tawagan mo mga kaibigan ko ng malaman mo! Ikaw lang din ang mapapahiya!" Galit na sigaw nya, nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin.
Tumingin lang ako, walang emosyon ko syang tinitigan.
Wala pa akong sinasabi. Nakatingin palang ako. Galit na galit na agad. Guilty?!
"Wala naman ako sinasabe diba? Bakit ganyan mga pinagsasabe mo? May bagay ba na di ako nalalaman? Sabihin mo nga saken." Nabigla sya sa sinabe ko. Defensive kasi sya masyado napaghahalata.
"You know this is bullshit! Wala ako ginagawa pero pinagdududahan mo ko! Yan mga tingin mo! Wala kang tiwala saken.!" Galit na sya.
"Marquise I feel it here." Sabay turo sa dibdib ko. "Ramdam kong may ginagawa ka na di ko alam. Nakita ko mga damit mo may lipstick stain at amoy pabango ng babae. Paano mo ipapaliwanag saken yun?! Ilan beses ko na pinapalampas pero parang nanadya ka na paulit ulit kong nakikita sa damit mo ang ganun! Sinabihan kita na kung meron ka iba sabihin mo lang maiintindihan ko naman. Wag mo lang ako pagmukhaing tanga pati anak ang natin." Pigil ang luha ko habang nagsasalita sa kanya.
Nagulat sya, namutla di alam ang isasagot bigla nalito, dahil di nya naman kasi chinecheck mga damit nya. Nahuli ko tuloy sya. Nakikita ko dahil ako nagaasikaso ng mga gamit namin.
"Marquise mapapalampas ko ang mga ginagawa mo. Sa ngayon... Pag inulit mo pa. Iiwanan na kita." Yun lang at nauna na akong umakyat at pumasok sa kwarto namin.
Wala pa rin syang pinagbago kahit sa huling paguusap namin tinakot ko na sya. Di sya natatakot mawala ako...Kami ng anak namin... Wala talaga ako halaga sa kanya...
Routine na paguuwi nya na tahimik lang ako pinaghahanda sya ng makakain tapos nararamdaman ko nalang na gusto nya may mangyari. Ginagawa nya yun saken kahit ayaw ko, wala naman ako magawa. Malaki sya at malakas. Sumusunod nalang ako kahit nasasaktan ako. Duties naman ng wife yun kaya nagpapaubaya nalang ako pero walang katugon.
Slave ang tingin nya saken hindi asawa. Katotohanan na di ko na matanggap. Sobrang sakit. Parang gusto ko ng mamatay. Pero paano anak namin?
Isa nalang akong slave, utusan, yaya, alipin sa paningin nya. Hindi na asawa, kabiyak, partner, katuwang sa buhay. Wala talaga ako halaga sa kanya.
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.