Pagkatapos ko sabihan si Macky ng ganun kagabi hindi pa ako lumalabas ng kwarto at kumakain. Wala ko nararamdaman gutom dahil sobrang naguguluhan ang isip ko sa lahat ng mga narinig ko at mga sinabe ni Macky.
Hindi ko maintindihan pero iba nararamdaman ko.
May nangyayare na di ko alam.
Dapat malaman ko kung anu man yun.
Kumakatok nanaman si Macky sa kwarto, pang-anim na balik na nya simula kanina magliwanag.
' Airam please kausapin mo naman ako. Magpapaliwanag ako. ' Dinig kong sabi nito.
Nanatili lang ako tahimik. Wala akong gana magsalita. Galit ako. Naguguluhan.
Patuloy pa rin sya sa pagkatok.
' Airam please trust me, lahat ng ginagawa ko ay para sayo, ayokong masaktan ka at magsisi, ayokong masira ang buhay mo kaya gusto ko ilayo ka sa maling gawa. '
' Kahit ano pa sabihin mo Macky buo ng plano ko. Hinding hindi na mababago kung ano pa man yan plano nyo. Iuwe mo na ako. ' Di nakatiis na sagot ko.
' Yan ba talaga ang gusto mo? Wala ba talaga kong halaga sayo? Balewala lang ba talaga ako? ' ramdam ko ang hinanakit sa mga sinabe nya, pero kailangan ko balewalain sya at ang kakaibang nararamdaman ko para sa kanya.
' Iuwe mo na ako. Yun lang ang gusto ko. ' walang emosyon na sagot ko.
' Kung yan talaga ang gusto mo Airam, sige hahayaan kita pero lagi lang ako nakabantay sayo, sana dumating ang oras na pakinggan mo naman ang paliwanag ko, wag kang magpabulag sa galit. Mahal na mahal kita lagi mo tatandaan. Hihintayin kita sa labas at ihahatid na kita. ' emosyonal pa rin na sabe nya, labis na ko naapektuhan sa mga sinasabe nya...
mahal ko na nga ba talaga sya?
Buong byahe kami tahimik, walang imikan, kahit tumingin sa kanya di ko ginawa, kita ko sa sulok ng mata ko na pasulyap sulyap sya. Hanggang makauwe ako di ko na sya pinansin, diretso lang ako sa loob ng di lumilingon.
Bakit nasasaktan ako sa pagbalewala ko sa kanya?
Anong plano nila laban saken?
Anong hindi ko alam?
Anong ipapaliwanag nya?
Anong pagsisihan ko?
Gulong gulo ang isip ko. Wala ako maintindihan sa sinabe nya na magpapaliwanag sya. Anong meron?
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.