•••MARQUISE
Nakatalikod ako at di ko namalayan ang pagdating ni Airam kaya ganun nalang ang gulat ko na sa pagharap ko sya ang nakita ko.
Nakatayo sya at nakatingin sakin. Tahimik lang at umiiyak. Kabaligtaran ng inaasahan kong reaction na galit sya sakin. Lumapit sya saken. Niyakap ako ng mahigpit at umiyak ng umiyak. Di nya marahil narinig ang paguusap namin ni Gigi.
"Akala ko di mo na ako babalikan. Akala ko nakalimutan mo na kami ng anak natin. Matagal kita hinintay, matagal kami naghintay sa pagbabalik mo. Alam ko na babalik ka dahil kami ang pamilya mo. Salamat Marquise bumalik ka. Kalimutan na natin ang mga nangyari. Mahal pa rin kita." mas mahigpit ang yakap nya na para bang ayaw na nya akong pakawalan at mawala sa tabi nya habang patuloy pa rin ang pagiyak.
Bawat salita nya parang karayom na unti unti tumutusok sa puso ko at kumukurot. May pagmamahal pa rin naman ako sa pamilya ko ramdam ko naman yun. Di ko lang inaasahan na sa kabila ng lahat, mabait pa rin ang asawa ko sakin. Tinatanggap nya pa rin ako at willing sya kalimutan ang lahat ng nangyari.
"Airam patawarin mo sana ko. Alam ko malaki ang kasalanan ko sainyo ng anak natin. Mapatawad mo sana ako. Mahal ko sya at di ko kaya na pabayaan sya. Ako nalang ang meron sya. Sana maintindihan mo ako." paliwanag ko sa kanya.
Kumalas sya sa pagkakayakap nya saken. Umiiyak lang sya. Walang sinabi na kahit ano. Hanggang sa unti unti na sya lumakad palayo sa kinatatayuan ko. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya. In our young age alam ko mahirap pero di ko kayang dayain ang sarili ko.
Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya pero wala ako magawa. Wala ako maisip na paraan para pagaanin ang nararamdaman nya. Bumalik ako para itama ang lahat. At ayokong umasa sya sa wala at masaktan.
Sinundan ko sya pero nakasakay na sya ng taxi kaya sinundan ko nalang ang taxi na sinakyan nya. Huminto sa isang hospital ang taxi. Bumaba na sya at bumaba na rin ako sa kotse. Sumunod ako sa kanya ng di nya namamalayan. Huminto sya sa harap ng isang kwarto. Matagal syang nakatayo sa harap ng pintuan at di agad pumasok. Tahimik lang syang umiiyak pero agad din inayos ang sarili saka meron nagbukas ng pinto.
Nagulat ako ng makita si Macky!
Anong ginagawa nila rito? Sinong andito? Katanungang nasa isip ko.
Mas ikinagulay ko nang yakapin ni Macky si Airam.
Naginit ang ulo ko at sinugod sila.
"Kailan nyo pa ako niloloko!? Pinalabas nyo na ako lang ang nakagawa ng mali sa sitwasyon na to pero kayo pala!" sigaw ko sa kanila kaya pareho silang nabigla pagkita saken.
Kailan pa nila ko niloloko? Di ko akalain magagawa saken ng asawa ko to? Sinuntok ko si Macky. Umaawat si Airam pero itinulak ko kaya tumama ang ulo nya sa pader. Nilapitan agad kami ng Guards at inawat. Nilapitan ng mga nurse na naandon si Airam.
"Mga manloloko kayo! Di ko akalain magagawa nyo saken to. Kapatid kita. Kambal tayo pero tinalo mo ako Macky. Traydor ka! Asawa ko pa talaga!" panunumbat ko kay Macky pero di na nya ko inintindi. Binuhat nya si Airam na nawalan ng malay at dinala sa emergency room. Di ko akalain pumutok ang ulo nya kaya duguan ang mukha nya.
Huli na ng marealize ko na nasaktan ko lalo si Airam. Binitawan na ko ng Guards.
Napatingin nalang ako sa nakaawang na pinto. Saka ko binuksan ng dahan dahan. Nakita ko ang isang batang nakahiga sa kama at maraming aparatong nakakabit sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko... Anak ko...
"Diyos ko anong nagawa ko? Ang anak ko...." Nawalan ako ng lakas. Di ako makapaniwala. Kailan pa to? Ano nangyari sa anak ko? Wala akong alam sa mga nangyari sa anak at asawa ko. Sinaktan ko sila ng labis. Lalong lalo na si Airam. Di ko alam na may ganito sya pinagdaraanan. Wala akong alam. Habang nagpapakasaya kami ng Gigi nandito sila sa hospital.
Nanlulumong nilapitan ko ang anak ko. Mahimbing na natutulog. Pakiramdam ko unti unting binibiyak ang puso ko habang tinititigan ko sya. Malaki na sya. Di ko manlang sya nasubaybayan. Ito ba ang kapalit ng kasiyahan na naramdaman ko sa piling ng ibang babae? Habang nagpapakasaya ako. Ito sya naghihirap. Ang asawa ko gaano hirap na pinagdaanan nya magisa?
Wala akong kwenta. Walang silbi. Umiiyak ako ngayon sa harap ng anak ko. Kulang ang luha ko kabayaran sa mga nagawa ko.
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.