•••AIRAM
Mabilis ang pagbalik ng ala-ala ko. Sa isang iglap lang. Nang makita ko ang babaeng yun. Babaeng nagpaalala saken ng lahat ng sakit na naranasan ko. Babaeng mahal ng asawa ko. Babaeng sumira ng lahat ng pangarap ko. Babaeng sumira ng kinabukasan ng pamilya ko.
Naalala ko na ang lahat.
At paulit ulit na nagpaflashback sa isipan ko ang mga masasakit na eksenang naranasan ko sa kanya at sa asawa ko.
At ngayon may anak na sila...
Ang batang yon na bunga ng kasalanan nila, batang walang kamuwang muwang sa lahat.
Hindi ko na sila mapapatawad...
Sobra sobrang pasakit ang naranasan ko sa kanila.
Kahit lumuhod pa sila sa harapan ko at lumuha ng dugo kulang pa yun sa mga taon na naghirap ako at anak ko.
Sa lahat ng pinaranas at pinaramdam nila.
Sa muntikan ko ng ikamatay.
Mahihirapan ako patawarin sila.
Nakita ko ang sulat sa side table at binasa.
"Airam... Patawarin mo sana ako sa lahat ng kasalanan ko sayo umpisa pa lang... Nagkamali ako sa maraming bagay... Alam ko walang kapatawaran lahat ng kasalanan ko sainyo ng anak natin... Alam ng Diyos na gustong gusto ko bumawi sainyo pero wala ng pagkakataon... Sasama na ako muli kay Gigi... Hangad ko ang kaligtasan nyo ni baby Mariam... Paalam..."
Kahit isang luha walang pumatak sa mga mata ko habang binabasa ko ang note nya.
Puno ng galit ang dibdib ko.
Natabunan na marahil ang pagmamahal ko sa kanya.
Wala na ko makapa na kahit ano emosyon gaya ng dati kundi galit.
Ayoko na sila makita sa ngayon.
Lalayo na ako kasama ang anak ko.
At pagbalik ko.
Ipaparanas ko sa kanila lahat ng sakit na pinaranas nila saken.
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.