CHAPTER 29

49.5K 532 8
                                    

Hanggang ngayon lutang pa rin ako simula ng makauwi ako kagabe.


Hindi ako makapaniwala sa mga sinabe ni Macky.


Kahit ganon tuloy pa rin ang plano ko.



From Airam Lucas ginamit ko screen name ang Airelle Lucas.


Pinaghirapan ko lahat ng narating ko dahil gusto ko makabawi sa lahat ng pahirap at sakit na pinaramdam at pinaranas ni Marquise at Gigi samen ng anak ko.


At ngayon nakapagsimula na ako.


Tatapusin ko.



●●●

Nang makarating ako sa office ng umagang yun di pa rin ako makapaniwala na ganito na kasuccessful si Airam.


Wala kami kaalam alam sa mga nagawa nya dahil iniba pala nya pangalan nya at ngayon nagpapanggap sya na hindi sya si Airam.

"Sir Marquise importante po ito papers na to sinend po ni Atty Fitzgerald, Attorney daw po sya ni Mam Airam. After you sign those papers nag-set po sya ng appointment, 12pm po may note po daw dyan sa loob kung saan nyo sya imeet." bungad ng secretary ko.


Napakunot ang noo ko. Bakit kailangan pa ni Airam na paharapin ang abogado saken?


Pumasok ako ng opisina at agad binasa ang nakalagay sa papers.


"Gusto ni Airam kunin ang mga properties na nakapangalan samen at ililipat sa pangalan nya. Gusto nya rin na bayaran ko ang lahat ng mga panahon na wala ako suporta sa kanila ng anak ko."

Mas higit tumatak sa isip ko ang huling kondisyon nya.

"Your mine every night..."


Sobrang pinakaba ako ng huling kondisyon nya. Anong plano nya?



"Ms Macie cancel all my appointments today, maaga ko makikipagkita kay Atty Fitzgerald."



"Ok sir."



Kailangan ko makausap ang Atty ni Airam para malaman ko lahat.



Paglabas ko ng pinto ng office ko.




"Sir tumawag po ang mga board members and investors. Meeting daw po. Importante." pahabol nito





"Ok then call Atty Fitzgerald and tell that I will meet him at 3pm." saka dumiretso ako sa conference room.





Pagpasok ko kompleto ng lahat. Board Members. Investors. Si Papa? Macky? Ano ginagawa nila dito?






Umupo ako sa upuan nakalaan saken.





Tahimik sa lang wala ni isang nagsasalita.





"May hinihintay pa ba tayo?" tanong ko.






"Yes Mr Marquise. Our new investor." sagot ni Mr. Smith saken.





Tahimik ako naghintay.






Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalake.






"Sorry were late. Im Atty Fitzgerald." pakilala nito.






Atty Fitzgerald? what a coincidence?






Sumunod na pumasok ang isang babae.





She looks so hot, sophisticated and elegant in her red formal dress.






Lalo ako namangha ako ng tanggalin nya ang sun glasses nya.






Sabay na napatayo kami ni Macky.






"Airam. What are you doing here?" gulat na tanong ko.






"Pa whats the meaning of this?" tanong ni Macky.

Si Papa tahimik lang na nakatingin.




"Sorry Im late by the way. Im Airelle Lucas. Your new investor. So can we start now this meeting?" pakilala ni Airam.


Umupo ako at mataman na nakatingin lang kay Airam. Ganundin si Macky.



Airam ano ba plano mo bakit mo ginagawa lahat ito? Balak mo ba ako paghigantihan?



Ibang iba ka na sa dati.




Hindi na ikaw ang Airam na nakilala ko.

SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon