•••MARQUISE
Mabilisan kong dinala sa hospital si Airam na wala pa ring malay. Habang hinihintay ko lumabas ang doctor sa emergency room labis labis ang kabang nararamdaman ko at panalangin ko na sana'y ok lang sya.
Kailan lang sya nagising at bumabawi pa ako sa kanya.
Wala naman sana masamang mangyari sa kanya.
"Ikaw po ba asawa ng pasyente?" tanong ng nurse sakin.
"Yes, ako nga." kinakabahan sagot ko.
"Sumunod po kayo saken. Kakausapin daw po kayo ng doctor." tumalikod sya at nagumpisang maglakad. Sumunod ako na puno ng pagtataka, kaba at takot.
Paano nalang kung meron sya sakit? O nakaalala na sya?
Hindi ko makakaya alin man sa dalawa.
Unti unting nabuo ang pamilya namin kahit may temporary amnesia sya.
Ayoko ng masira pa ito.
"Pasok na po kayo sir." pinagbukas ako ng nurse ng pintuan at saka umalis.
Hindi ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang kaba at takot sa maaring sabihin ng doctor sakin.
Lumipas ang ilan minuto, humugot ako ng malalim na paghinga, bago ako kumatok at pumasok.
"Maupo ka Marquise. May importante akong sasabihin sayo." malumanay nyang sabi.
Umupo ako. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko. Parang anumang oras mahihimatay ako.
"Nakakaalala ng asawa mo..." parang bombang sumabog sa tainga ko ang pagkumpirma ng doctor, walang paligoy ligoy na pagtatapat nito.
Tapos na ang maliligayang araw ko kasama sya.
Alam kong galit sya at walang kapatawaran ang lahat ng kasalanan na ginawa sa kanya.
Walang salitang namutawi sa mga labi ko sa labis na pagkabigla.
"Bumalik na ang alaala nya. At pasensya na Marquise. Ayaw nya tumanggap ng kahit na sino sa kwarto nya." patuloy nito.
Naalala na nya ang lahat.
Nalungkot ako. Pinanalangin ko noon na sana di na sya makaalala pero heto at dumating ng araw na kinakatakutan ko.
Marahil sa pagkakita nya kay Gigi bumalik ang lahat ng alaala.
"Sorry Marquise pero ayaw ka na nya makita. Kailangan nya ng sapat na pahinga." dagdag pa nito.
Naluluha man ako pinilit ko tumango at umalis sa kwartong yon.
Ayaw na nya ako makita. Galit sya saken. Hindi na nya marahil ako mapapatawad.
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.