CHAPTER 12

60.9K 662 26
                                    

•••MACKY

Kahit inaasahan ko ng makikita si Airam na umiiyak. Nasasaktan pa rin ako para sa kanya. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa kanya at sa anak nya. Sobrang galit na galit ako sa kakambal ko dahil sa ginawa nya.  Wala akong ibang maisip na gawin para gumaan ang pakiramdam ni Airam.

Heto sya sa hospital bed. Wala pa rin malay dahil sa masama ang pagkakauntog ng ulo nya. Para syang anghel na mahimbing ang tulog. Masyado pa syang bata para sa mga pinagdaanan nya. Matanda ako sa kanya pero mas marami syang napagdaanan mahirap at mabigat kesa saken.

Simula ng umalis ang kambal ko at iniwan sila. Ako na ang pumalit sa posisyon nya at responsibilidad katulong si Papa. Hindi namin sila pinabayaang magina.

Wala ako masabi kay Airam. Mabait. Mapagmahal. Maalalahanin. Matalino. Maalaga. Maganda. Sexy. Lahat na nasa kanya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagawa ito ni Marquise sa kanya at sa pamangkin ko.

"Airam magpahinga ka na muna. Masyado ka ng maraming pinagdaanan, ngayon ka lang makakapagpahinga. Ako na ang bahala sa lahat. Pagkatapos ng lahat ng ito. Magiging masaya ka rin." bulong ko kay Airam na mahimbing na natutulog, masaya akong pagmasdan ang maganda nyang mukha, parang anghel na hindi magagawang makapanakit.

"Isang araw sasaya ka rin kasama ang taong nagmamahal sayo ng totoo. Hindi ka na masasaktan at iiyak pa. Magiging masaya kayo ng anak mo." sa isip isip ko. "Gagawin ko ang lahat para sayo Airam." hindi ko binibitawan ang kamay nya habang pinagmamasdan sya.

●●●MARQUISE

Para ako mababaliw ng malaman ko ang naging sitwasyon ng asawa at anak ko sa pagkawala ko. Labis ko silang nasaktan. Naging madamot ako. Sana hindi pa huli ang lahat.

Hinanap ko ang kwarto na pinagdalhan kay Airam. Nakita ko si Macky na nakaupo sa tabi ng higaan ng asawa ko. May sinasabe nya na di ko maintindihan.

Papasok na ako ng matigilan sa nakita ko eksena.

Hawak hawak nya ang kamay ni Airam habang buong pagmamahal nya ito pinagmamasdan.

Kitang kita ko sa mukha nya ang pagaalala at pagmamahal.

Naramdaman ko nalang na parang may sumaksak sa dibdib ko.

"Nasasaktan ba ako sa nakikita ko pinapakita ng kakambal ko sa asawa ko? Mahal nya ba si Airam?" bulong ng isang bahagi ng isip ko.

Umalis ako ng hospital na litong lito. Di ko na alam ang iisipin ko. Di ko alam kung san ako dadalhin ng mga paa ko.

Namalayan ko nalang nasa tapat na ako ng apartment ni Gigi.

"Oh Hon may problema ka ba?" tanong nya saken.

Tulala lang ako. Walang masabe. Unti unti nagunahan bumagsak ang mga luha ko.

"Hon ano nangyari? Bakit ka nagkakaganyan? Anong problema? Talk to me please. I dont wanna see you crying." puno ng pagaalala si Gigi.

Kahit gusto ko magsalita walang lumabas na boses saken. Iniyak ko lang ng iniyak sa kanya. Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko sa asawa at anak ko.

Huli na ba ang pagsisisi ko?

Mali ba sumama ako sa tunay kong mahal?

Mapapatawad pa ba ako ni Airam?

Ng anak namin?

Hirap na hirap ang loob ko sa mga nalaman ko ngayong araw. Para akong mamatay sa nararamdaman ko.

Sana mapatawad mo ako Gigi. Gusto ko ng itama ang pagkakamali ko. Gusto ko ng putulin ang kasalanan na ako rin ang nagsimula.

Patawarin sana ako ng asawa at anak ko.

Hindi pa sana huli ang lahat ng pagsisisi ko.

SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon