CHAPTER 8

63.2K 672 9
                                    

Nang magmulat ako ng mga mata ko isang hindi pamilyar na kwarto ang nagisnan ko.

Puro puti lang ang nakikita ko. Nasa isang kwarto ako sa hospital. Marahil di na kinaya ng katawan ko kaya bumigay na dala nang maraming problema at iniiisip.

Bigla bumalik ang realisasyon saken. Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. Walang patid.

Ang anak ko. .. Ang anghel ko... Diyos ko wag nyo po sya pababayaan. Sya lang ang meron ako ayoko po mawala sya saken. Mas mahal ko po sya kesa sa sarili ko. Mawala na po lahat saken wag lang ang anak ko. Napakabata nya pa para kunin nyo. Wag po muna diyos ko.

Bumukas ang pinto ng silid. Si Dr. Ferdie ang nakita ko pagtunghay. Kausap si Papa Freny. Andun din si Macky. na matamang nakatingin sakin. Ang papa at kakambal na kapatid ni Marquise.

Nilapitan nila ako at pinakalma, hindi ko namalayang may luha na pala sa mga mata ko.

"Huminahon ka Airam. Gagawin ko ang lahat para sa anak mo. Magdasal lang tayo sa poong may kapal." sabi ni Dr. Ferdie.

Tumabi si Papa Freny. "Makakaya mo yan anak. Tatagan mo ang loob mo para sa anak at asawa mo."

"Nasaan na nga pala ang magaling kong kapatid?" tanong ni Macky.

Lalo akong napaiyak. Hindi ko napigilan. Wala akong mahagilap na isasagot. Masyadong masakit sakin ang lahat ng pinagdadaanan ko. Imbis na kasama ko sya ngayon. Kaagapay. Wala sya. Nandoon. Kasama ng ibang babae. Nagpapakasaya. Habang ako at anak namin nagdurusa. Lalo na ang anak ko...

"M-may b-business trip po sya P-papa. W-wala po sya sinabe kung saan. A-ang alam ko lang po o-one week po yun." sagot ko sa kabila ng paghikbi.

"Airam magpahinga ka na muna. Kailangan mo ng lakas para di ka na mawalan ng malay. Wag ka nang magalala kami na ang bahala sa lahat. Andito kami ni Papa para alalayan ka, kami na muna ang titingin kay Baby Mariam." pagpapatahan ni Macky sakin at tumango tango naman si Papa Freny.

"Paano po magrounds po muna ako. Babalik nalang po ako mamaya para icheck si baby Mariam.  Airam magpahinga ka na muna. Baka tuluyang bumigay ang katawan mo kapag di ka nagingat. Una na ko. Babalik ako mamaya." paalam ni doc. at tumango naman si Papa Freny.

"Papa gusto ko po makita si baby. Kaya ko na po. Babalik rin po ako agad." paalam ko sa father inlaw ko.

"Pasama ka na kay Macky. I know di pa nabalik lakas mo. Para may aalalay sayo baka mawalan ka nanaman ng malay." puno ng pagaalala si Papa Freny.

Laking pasalamat ko sa father inlaw at brother inlaw ko. Napakabait nila samen ng anak ko. Pilit nila pinupunan ang pagkukulang ng asawa ko. Alam kong alam nila ang mga ginagawa ni Marquise pero wala silang binabanggit sakin.

Imbis na sya ang kasama ko at karamay wala sya, nandun nagpapakasaya sa piling nun babae nya, pamilya nya kasama ko higit ang kapatid nya na palaging nandyan para samen ni baby Mariam.

HUMINTO kami sa tapat ng nursery.

Ang munti kong anghel mahimbing na natutulog. Parang walang sakit na nararamdaman.

Napaluha nanaman ako sa awa sa anak ko.

Sana saken nalang ang sakit nya. Sana pwede ko akuin ang sakit na nararamdaman nya. Kawawa naman anak ko.

Sa isip ko kinakausap ko sya. Kailangan ko sya kaya kailangan pareho kami magpakatatag.

"Macky pwede ba pumunta tayo sa chapel?" tumango sya at nagtungo na kami sa chapel.

Nagdasal ako ng tahimik. Para sa kaligtasan at paggaling ng anak ko. Para sa kasalanan ng asawa ko, nahingi ako ng tawad para sa kanya. Kahit na niloloko nya ko at nasasaktan ng sobra. Lamang na lamang pa rin ang pagmamahal ko sa kanya.

Bakit sa kabila ng lahat ng nangyayari. Mahal ko pa rin sya?

Kahit di nya ko mahal. At sarili lang nya iniintindi nya.

Sya pa rin ang gusto ko makasama.

Baliw na ata ako.

"Sana po Diyos ko dinggin nyo na po ang mga panalangin ko. Kakayanin ko po ang lahat ng pagsubok nyo wag nyo lang po hayaan mawala sakin ang anak at asawa ko. Sila po ang buhay at mundo ko. Salamat po." tumayo na ako, wala na ata katapusan ang pagluha ko, di na naubos ubos.

"Airam kumain na muna tayo sa canteen. Kailangan mo magpalakas. Para sa anak mo." tumango ako at sumunod kay Macky, napakabait nya, malayong malayo sa asawa ko na mapagpanggap, pareho man ang pisikal na anyo nila ni Marquise, magkaibang magkaiba naman ang mga ugali nila.

Pinilit ko kumain para sa anak ko, kailangan ko maging malakas.

"Ayoko sana makialam. Pero ano ba ang nangyayari sainyo ng kapatid ko? Pasensya ka na alam kong di ito ang tamang panahon pero nagaalala na kasi ako, ganun din si Papa. Di sya matahimik." pagsisimula nya.

"Pasensya ka na Macky nadadamay pa kayo sa amin ni Marquise. O-okay lang kami. W-walang problema. N-nasa business t-trip lang sya." di talaga ako magaling magsinungaling, nautal utal tuloy ako sa pagsagot.

"Sigurado ka? You can tell me, you can open it up to me. You can trust me Airam, were family, im your brother inlaw."

Tumango nalang ako at itinuon sa pagkain ang atensyon.

Ayoko may malaman sila dahil ayoko masira ang asawa ko sa paningin nila. Masaya ako na ikinasal kay Marquise noong una kaya gusto kong masaya pa rin ako sa paningin nila gaya noon.

SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon