CHAPTER 41

39.4K 405 5
                                    

Ilan araw na dito sa hospital si Marquise. Nakaconfine. Comatose sya. Hanggang ngayon pinagsisihan ko pa rin ang ginawa ko pagganti.

Walang naidulot na maganda. Sana di ako nagpadaig sa galit na nararamdaman ko.

Habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Marquise, payapa natutulog, bumalik sa isip ko lahat, nagsimula sa masaklap na pangyayari sa buhay namin, nagtapos sa ganito kasaklap na paraan.

Wala ko ibang dinasal kundi ang magising sya at maenjoy ang natitirang araw nya. Hindi ko alam kung hanggang kailan sya dito buhay pero walang malay. Masakit na ako ang dahilan. Masakit na ako ang nagtulak sa ganito sitwasyon. Pero nangyari ng lahat. Nagsisi na ako at natuto.

Si Gigi tuluyan ng nawala sa katinuan, ipinasok sya sa mental hospital ng family nya at ang magulang nya nangangalaga sa anak nya.

Si Macky heto wala pa din sawa sa pagalalay samen magina, habang nasa ganito sitwasyon ang kapatid nya, patuloy pa din sya sa pagtulong at pagaalaga samen. Bilib na bilib ako sa kanya. Hanga ako sa kabaitan nya. Bihira ang lalaking gaya nya. Maswerte ang babaeng mapapangasawa nya.

Diyos ko kailan nyo po gigisingin si Marquise? Gusto ko po makabawi sa mga nagawa ko at gusto ko po makabawi sya sa anak nya. Hindi man maganda ang mga nangyari ng nakaraan, malinaw na lahat at natapos.

Gusto ko mapasaya ang mga araw nya dito sa mundo. Sana talaga magising na sya.

●●●

Nagmulat ako ng mga mata at si Airam agad ang nagisnan ko na natutulog sa tabi ko. Nakasubsob ang mukha hawak ang kamay ko. Masaya ako makita sya ligtas at wala masama nangyari sa kanya. Marami na sya paghihirap na naranasan ng dahil saken. Wala ako ibang magagawa kundi sundin ang mga gusto nya at pasayahin sya sa mga huling araw ko. Gusto ko sila ng anak namin ang kasama ko hanggang sa huling hininga ko dito sa mundo.

Hinaplos ko ang malambot nya buhok, ang pisngi nya, pinagmasdan ko ang maganda nya mukha, napakaganda at napakaamo pa rin ng mukha nya, nagiisang babaeng pinakasalan ko, minahal ko ng totoo, nasaktan ko man sya at naligaw ako, sya pa rin pala ang laman nito.

Nagising sya. Ngumiti.

"Masaya ako na gising ka na. Sandali tatawagin ko ang doctor." nakangiting naluluha na sabe nito. Kailan pa ba ako dito at gaano na ako katagal na tulog? Pakiramdam ko matagal.

Dumating ang doctor at chineck ako lahat, alam ko araw nalang hinihintay ko, nagpapasalamat ako na bago dumating yun araw na yun, magagawa ko pa makasama at makabawi sa kanila. Napakaswerte ko dahil magagawa ko pa ang mga kailangan ko gawin bago ko mawala. Bagamat konting panahon nalang hindi ko alam kung hanggang kailan. Gagawin ko lahat para maging masaya at memorable ang bawat araw namin.

"Marquise masaya ako na gising ka na. Sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko." umiiyak na sabe nya.

"Airam ako ang patawarin mo dahil saken nagumpisa lahat. Pero babawi ako sainyo. Sana hayaan mo ako makasama kayo at pasiyahin. Bigyan mo pa sana ako ng chance." Upumiiyak na rin na sabe ko.

Sunod sunod sya tumango, lumuluha man, nakangiti pa rin, ramdam ko masaya sya sa paggising ko. Niyakap nya ko na parang wala masamang nangyari sa nakaraan.

"Wag ka na umiyak. Hinding hindi na kita paiiyakin." yakap sya at haplos ang buhok nya.

"Kailan ba ako pwede lumabas? Gusto ko na kayo makasama at makabawi sa lahat ng nagawa ko." excited na tanong ko.

"Kaya mo na ba sarili mo? Dun tayo uuwe sa bahay ko. Naghihintay na sayo si Mariam." nakangiting sabe nya,

"Kaya ko na." nakangiti din sagot ko habang pinupunasan ang luha sa mga mata nya.

●●●

Sa bahay ni Airam kame tumuloy ng lumabas kame ng hospital. Nagsama ulit kami sa iisang bahay. Parang wala nangyari. Kaibahan lang masaya na ngayon dahil kasama anak namin at wala ng kahati sa atensyon ko.

"San mo gusto mamasyal ngayon?" tanong ko habang nakahiga kami sa kama.

"Pasyal? Di ka na ba magpapahinga? Ilan araw na tayo lumalabas na magkakasama." sabe nya.

"Oh sige dito nalang tayo sa kwarto maghapon. Gagawa ng little junior ko." nakangising sabe ko.

"Walang ganyan ok. Saka baka mapagod ka." nagaalalang sabe ni Airam habang nakatingin sa mukha ko.

Ibang iba na itsura ko payat at malalim ang mga mata.
Hindi ko alam kung may alam na sya sa sakit ko, wala ko idea.

"Kaya ko na. Malakas na ko diba simula ng nagising ako." umakto pa ako na macho.

"Ay tama na nga! Saka na okay? Pahinga ka muna. Ilan linggo ka palang gising e." nakangiting sabe nya.

"Sige na nga," simangot ko sabay yakap sa kanya.

Nakatulog kami ulit.

●●●

Masaya ako na naging ayos ang lahat. Hindi ko binabanggit kay marquise na may alam ako sa sakit nya.

Habang minamasdan sya na tulog pa din bigla pumasok sa isip ko ang isang bagay.

Dahan dahan ako bumaba ng kama at tumingin sa calendar.


Ngayon ko lang naalala na delayed ng mens ko.

I need to meet my Obgyne.


Nagpaalam ako kay Manang na aalis muna.

Dumiretso ako sa Obgyne ko.


Nang makarating ako, agad ko sya nakausap, kinuhanan ako ng urine sample at pinaghintay ng ilan minuto.

Kinakabahan ako ng pumasok na ang doc at dala ang result.

"Congratulations Airam, your pregnant!" parang sasabog ang ulo ko sa sinabe nya, di ko alam kung ano ang iisipin, mararamdaman.

Nakaalis na ko sa clinic nya. Nakarating ako dito sa rest house ko.

Lutang ako sa nalaman ko. Buntis ako at si Marquise ulit ang ama.

Masaya ako pero paano na ang mga anak ko? Di ko alam kung kailan pero isang araw alam ko kukunin na sya saken.

Paano na?

RING... RING... RING....

RING... RING....

MACKY CALLING...

Kinabahan ako bigla dahil sa tawag nya, may masama ba nangyare?

SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon