CHAPTER 10

62K 684 11
                                    

•••MARQUISE

Bumalik kami sa bansa para maayos ko ang lahat sa pagitan namin ni Airam. Di ko lang ineexpect na mas mapapaaga ang pagkikita namin.

Almost one year na din simula ng umalis ako at di na nakabalik.

Oo pinili ko si Gigi over my wife and daughter. I know galit sila saken. May mabigat akong dahilan kung bakit. Hindi ko din kayang malayo kay Gigi. I love her with all my heart. Nabulag na nga yata ako.

All those years na nagkalayo kami ni Gigi di ko ineexpect na walang nagbago sa nararamdaman ko. Kahit ibinaling ko na sa iba ang pagmamahal ko balewala. Si Gigi pa rin ang laman ng puso ko. Mahal ko rin si Airam at ang anak ko pero mas higit ang pagmamahal ko kay Gigi kaya nagdesisyon akong lumayo kasama sya.

Now Im here standing outside the gate of our mansion.

Taking a deep breath.

Im going to face my family now.

"Sir Freny si Sir Marquise po umuwi na." Tawag ni Manang Letty kay papa. Sumunod ako sa kanya dala ang gamit ko.

Si Macky ang sumalubong saken. "What the hell are you doing here? Your not welcome here anymore! Sana di ka na bumalik. Wala ka ng babalikan. We dont need you here." galit na galit na salita ng kambal ko.

"Macky hayaan na muna natin magexplain si Marquise. Alam ko may mabigat na dahilan kaya nya nagawa yun." mahinahong sabe ng papa.

"Explain? Umalis nga sya ng di nagexplain satin. Almost a year Pa na nawala sya. Her daughter is turning one na. Iniwan nya ang asawa at anak nya na nagdurusa. Kahit nga ni isang tawag wala galing sa kanya." sigaw ni Macky. Naiintindihan ko ang galit nya. Gago naman talaga ako eh pero wala ko pinagsisihan sa ginawa ko dahil kapalit nun ay ang kasiyahan ko na makasama si Gigi.

Nagexplain ako sa kanila kahit malabo na maintindihan nila ako.

"Makakabalik ka lang sa company kung iiwanan mo yan babae mo at babalik ka sa tunay mong pamilya." desisyon ni Papa kapalit ng pagbalik ko sa company.

"Pagiisipan ko Pa. Di ko kayang mawala si Gigi saken." malungkot na sabe ko.

"Wala kang konsensya Marquise. Di mo alam kung gaano naghirap ang asawa mo at kung anong naging lagay ng anak mo. Pasalamat nalang kami at naging matatag ang asawa mo at matapang kahit magisa lang sya." galit pa rin si Macky.

Ano ibig nila sabihin na naghirap ang magina ko? May dapat ba ako malaman? Pero di ko muna sila inusisa. "Magpapahinga na muna ko sa kwarto ko. Pagod ako." paalam ko.

"Sana di ka nalang bumalik." huling salita ni Macky na tumatak sa isip ko, di nalang ako kumibo.

Nasaan na nga ba ang magina ko?

Nakatulugan ko ng isipin na yan. Gabi na ng magising ako. Kinatok ako ng maid para sabihin na dinner na daw.

"Sir gumising na daw po kayo para makapagdinner na. Hihintayin ka nalang daw po nila Sir Freny sa dining." tawag ng maid.

Nagayos na ako at bumaba. Nagtataka ko na gabi na wala pa rin si Airam at ang anak namin.

"Pa bakit gabi na wala pa si Airam at anak namin?" di ko na napigilang magtanong.

"Wala kami sa posisyon para magsalita. Sya nalang ang kausapin mo oras na umuwi na sila rito." tipid na sagot ni Papa.

I just shrugged. Nagsimula na ako kumain at binalewala nalang, uuwi din siguro sila maya maya.

"Pa aalis na ako. Kanina pa siguro nila ako hinihintay." paalam ni Macky na di manlang ako pinansin.

"Sige anak bukas nalang ako pupunta don pakisabi. Nasa kotse mo na lahat ng gamit at pagkain." sabe ni Papa at umalis na si Macky.

Clueless ako sa mga nangyayari. Anong meron? San pupunta si Macky?

After dinner. I called Gigi at sinabe ko kapalit ng pagbabalik ko sa kumpanya.

"Hon sorry to say this. Desisyon nila Papa na lumayo na ako sayo kapalit ng pagbalik ko sa company." malungkot ako parang pinipiga ang puso ko.

Di agad sya nakasagot. Matagal.

"Pero Hon wala na ba ibang paraan? Di ko kayang mapalayo sayo." naramdaman ko na umiiyak na sya.

"Magkikita pa rin tayo. Gagawa ako ng paraan. Wag ka magalala. Di ko din naman kaya na mapalayo sayo. Basta magiingat ka lagi at tatandaan mo na mahal kita kahit ano mangyari."

Pagharap ko nagulat ako dahil nasa likuran ko na pala si Airam. Di ko na naintindihan ang mga sinabe ni Gigi. Bigla ako kinabahan. Di ko alam paano ko uumpisahan ang pakikipagusap sa kanya.

"Hon tatawagan kita bukas. May kailangan lang ako kausapin."

Paalam ko sa kanya at Inend call ko na.

Kailangan ko ng harapin si Airam at makausap.

SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon