Isang umaga di na ko nakatiis. Umuwi nanaman sya ng umaga. Lasing na lasing.
Ang baho ng damuhong to. Araw araw umuuwi ng lasing. Madaling araw or worst umaga na talaga. Hindi manlang ata naiisip na nagaalala ako sa kanya.
Tapos may dala dala nanaman na foods. Alam nya talaga paborito ko kumain. Dahil nga preggy ako! Pero dedma muna sa foods. I need to confront him na. Coz this is too much.
Imagine ba naman. Magdamag ako wala kasama. Walang katabi. Busy na nga sya sa company. Wala pa time saken. Kailangan ko din naman sya diba? Di ko sya iniistorbo sa work. He used to call and text me. Pero iba pa rin yun makasama ko sya.
Patayo sana ako pero di ko nagawang makatayo dahil umunan sya sa lap ko.
Masama samen ng baby ko ang amoy nya. Naglalambing sya pero I ignore him. Nagsalita na ko.
"Babe bakit lagi ka nalang umuuwi ng lasing? May problema ka ba? Bakit lagi nalang madaling araw ka nauwi or worst umaga na tirik ng araw. Halos di na kita makasama. Di na kita makausap ng maayos." Tanong ko sa kanya. Naghihintay ako ng isasagot nya.
"Marami lang work sa office Babe. Tapos nayayakag naman ako ng friends ko after work. Di ko naman matanggihan dahil nahihiya ako." Sagot nya saken pero alam ko ramdam ko nagdadahilan lang sya.
"Sa kanila nahihiya ka. Saken ba hindi? Buntis ako pero naiiwan mo ko magdamag na walang kasama. Kung di pa dito matulog dito ang kapatid mo wala ako makakasama. Nakakahiya na kanila Papa at Macky." Naiiritang sabe ko sa kanya.
"Matulog na nga tayo. Tama na to. Nakakarindi ka!" Galit na sagot nya.
Tumayo na ako at lumabas sa terrace ng kwarto namin. Ramdam ko ang lamig sa labas hanggang kaloob looban ko. Manipis na pantulog lang ang suot ko. Kasabay nun ang sakit na nararamdaman ko. Now pinagsasalitaan nya na ko ng masakit. Tapos ano ng susunod? Sasaktan nya na ba ako? Pagpalit sa iba?
Unti unti naguunahan naglandas ang luha sa mga mata ko.
Ang sakit ng ginagawa nya. Ramdam na ramdam ko yun pagiisa. Ramdam kong may iba. Una palang ganito na. What more sa mga susunod na araw. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko.
Naramdaman ko lumapit sya.
"Are you crying? Babe im so sorry busy lang talaga ako. Wag ka ng magisip. Wala naman akong ginagawang masama. Di lang talaga ako makatanggi. Nakakahiya sa kanila. Matulog na tayo." Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya sakin.
Ako naman si gaga tumango nalang at pinahid luha ko at sumunod sa kanya.
Walang ibang nasa isip ko kundi sana bukas iba na sya dahil di ko kayang ganito sya. Di ko kaya ganito kami.
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.