•••MARQUISE
"Marquise tumawag ang asawa mo sa number ko. Naiwan mo ang phone mo." Kinakabahang pagbibigay alam sakin ni Gigi, my personal assistant.
"Oh shit I forgot my phone babe! You gave me a hangover last night, im so wasted." Nakangiwing ngiti ang naibigay ko sa kanya.
"Kinakabahan ako Marquise baka makahalata sya." Bakas sa mukha ni Gigi ang takot sa mukha.
"Maingat ako babe kaya wala sya nahahalata. Ok lang yan. Wag ka nalang magmemessage hanggat hindi ako ang nauunang magmessage sayo ha. I love you babe. Later na natin to pagusapan ha. Marami ako dapat tapusin. May board meeting pa ako mamaya diba. Pakidalhan mo nalang ako ng gamot para sa hangover ko." Hinilot hilot ko ang sintido ko.
Kinakabahan ako pero di ko pinahalata kay Gigi. I love my wife yes, but I also love Gigi. Bigla ko naisip si Airam. Matagal tagal na din na di ko sya napapansin dahil halos araw araw kami ni Gigi magkasama at nagpapakasaya. Buwan na ang lumipas simula ng ikasal ako at ganito kami ni Gigi. Kamusta na kaya ang asawa ko? Ang baby namin? Di ko pa nga pala alam ang gender nya. Ilang months na nga ba yun?
Naputol ang pagiisip ko ng pumasok si Gigi dala ang gamot at lumabas din agad.
Binalot ako ng guilt. Bigla ko naramdaman ang awa sa asawa ko. Kaso nakakarindi kasi pagtatanong nya. Alam ko nakakahalata na sya. Iniiwasan ko sya simula nang ikasal kami dahil na rin kay Gigi.
Mahal ko si Airam. Mahal ko din si Gigi.
Maaga nalang ako uuwi. Gaya ng dati uuwian ko nalang pagkain si Airam. Tinawagan ko si Gigi sa intercom para ipaalam na maaga ko uuwi at pumayag naman sya. Dala na rin siguro ng takot.
"MAAGA ka yata ngayon? May sakit ka?" Tanong ni Airam saken at sinapo ang noo at hinipo ang leeg ko. "Wala ka naman sakit. Ano masamang hangin ang nagpauwi sayo ng maaga? Ang phone mo ba? Nasa kwarto, sa may drawer katabi ng kama natin. Kunin mo nalang. Marami ka message." Sabe nya saken na may paghihinala.
Tumingin ako sa kanya ng masama.
"Ano ibig mo sabihin sa mga pinagsasabe mo? Pinaghihinalaan mo ko?! Heto nanaman ba tayo?! Umuwi na nga ako sayo ng maaga. Ganyan pa ang isasalubong mo sakin!!! Napakadrama mo!" Galit na sabe ko.
"Bakit kita paghihinalaan. May ginagawa ka ba? May masama ba sa sinabe ko?" Balik tanung nya saken.
"Kung ganyan ka din lang at wala kang tiwala saken umuwi ka na sainyo! Umalis ka na dito! Maghiwalay na tayo!" Matapang na sagot ko. Kapal ko pero nasabe ko na. Pagharap ko lumuluha na sya. Nasaktan ko talaga sya sa sinabe ko.
"Bakit Marquise? Tama ba pakiramdam ko na may iba ka na? Tama ba mga nakikita ko sa kilos mo? Sabihin mo saken para alam ko at hindi ako nagmumukhang tanga. Para alam ko kung san ako lulugar sayo o may lugar pa ba?" Lumuluhang tanong nya saken, di ko matagalan ang nakikitang sakit na nakaguhit sa magandang mukha ng asawa ko. Nakakakonsensya. Pero anong magagawa ko? Ayoko din mawala si Gigi dahil mahal ko din sya. Masama sa baby ang bigyan sya ng sama ng loob. Grabeng guilt ang bumalot sa pagkatao ko nang pumasok sa isip ko ang baby namin na nasa sinapupunan nya.
Sa halip na sumagot. Niyakap ko asawa ko. Awang awa ko sa kanya. Ayoko makitang umiiyak sya.
Gulong gulo ang isip ko, hindi ko kayang makita na nasasaktan si Airam.
•••AIRAM
Nasa garden ako. Nagiisip. Nakakalungkot. Lumilipas ang mga araw. Walang pagbabago. Ang layo layo na ng loob ng asawa ko saken. Umuuwi lang sya para matulog. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko di ko na alam kung ano ang tama gawin para maging maayos ang pagsasama namin. Di nya nga ko sinasaktan physically. Emotionally naman.
"Babe?" lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nagulat nang makita si Marquise na may dalang bulaklak, nakangiti at lumapit sakin, inabot ang bulaklak saka humalik sa pisngi ko.
"Marquise?" nalilitong tanong ko, nagtatanong ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"Im so sorry babe. This past months napabayaan kita. Dont worry babawi ako sayo at sa baby natin. Sana mapatawad mo ako." paghingi nito ng sorry, naiyak nalang ako sa saya, niyakap ko sya ng mahigpit na para bang panginip lang ito at hindi totoong nangyayari.
Salamat Diyos ko dininig nyo na ang panalangin ko...
Till then nagbago na sya.
Umuuwi ng maaga.
Sabay na kami nagdinner.
We spend more quality time together.
Hanggang nakapanganak ako naging okay ang pagsasama namin.
Wala ni sa hinagap ko na ang inaasahan kong umpisa nang maayos na pagsasama.
Yun na pala umpisa lalo ng paghihirap ng kalooban ko. O mas malala pa...
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.