Dumating kami ng maaga sa beach house. Naihanda ko ang lahat ng dala namin saka nagpahinga.
"Babe gusto mo ba magpahangin sa labas? Hindi naman ganun kainit ang sikat ng araw."
Tango at ngiti lang muli ang sagot saken ni Marquise.
Ngumiti ako. "Okay wait lang kukuha lang ako ng inumin mo."
Mabilis ako kumuha ng inumin.
Nakaramdam ako ng ibang kaba na para ba may mangyayare masama.
Di ko ito ipinahalata kay Marquise.
"Lets go?" Tanong ko.
Tango lang ulit ang sagot nya.
Lubhang napakahina na nya. Natatakot ako na may mangyare di ko gusto. Ngayon pa na masaya kame magkakasama. Ngayon pa na may isa pa anghel na nasinapupunan ko.
Ngayon ko balak sabihin sa kanya na buntis ulit ako at magiging ama na ulit sya.
"Babe dun tayo sa ilalim ng puno para di ka mainitan ng husto. May sasabihin sana ako importante."
Tahimik lang kami habang nakaupo sya sa chair. Nakaupo ako sa buhanginan. Pareho kami nakatingin sa payapang dagat.
Nagulat ako ng bigla sya nagsalita habang nakatingin sa dagat.
"Babe sana mapatawad mo ko sa lahat ng nagawa ko. Patawad nasaktan kita ng husto. Lagi mo sana tatandaan na mahal na mahal kita at ang anak natin. Nasaan man ako lagi ko kayo babantayan."
Nanlamig ako sa sinabe ni Marquise. Nagpapaalam na ba sya?
Diyos ko wag po muna. Wag nyo po muna kunin ang asawa ko.
"Marquise?" Ramdam ko panlalamig ng buong katawan ko.
"Patawad Airam sa lahat ng kasalanan ko."
"Wag ka na magsalita ng ganyan Marquise. Tapos ng lahat yun. Ang mahalaga buo na ulit ang pamilya natin. At madadagdagan pa."
Tumingin sya bigla sa akin.
Ngumiti ako.
"Oo Marquise. Buntis ulit ako sayo. Magiging ama ka na ulit."
Nakita ko may tumulo luha sa nga mata nya.
"Napakasaya ko Airam na malaman magkakaanak na ulit tayo. Pinasaya mo ako. Hindi ko na nga lang sya makikita at makakasama at mahahawakan. Mahal na mahal ko kayo."
"Wag ka magsalita ng ganyan Marquise. May awa ang Diyos. Hindi ka nya pababayaan."
"Heto ang susi ng drawer ko. Ingatan mo sana yan."
Tumango ako.
"Maari ba ko matulog sa balikat mo?"
"O. Oo naman." Halo halo ng nararamdaman ko ngayon.
"Baby kung naririnig mo man ako ngayon sana mapatawad mo si daddy. Basta lagi lang ako andito sa tabi nyo ni mommy at ate nakabantay." Kausap nya sa baby sinapupunan ko habang hawak nya tyan ko. "Pipikit lang si daddy ha pakabait ka. Mahal ko kayo. Papahinga lang ako."
Pigil ko ang luha sa mga sinasabe nya.
Ang sakit sa kalooban ko at di ko matanggap.
Namamaalam na ba sya?
Habang nakaupo kami sa buhanginan. Tahimik ng natutulog si Marquise habang nakaunan sa balikat ko. Nakatingin ako sa malawak na dagat sa harapan ko. Sari saring emosyon ang nararamdaman ko. Pigil ko ang luha ko dahil tumatak sa isip ko ang mga sinabe nya.
Naramdaman ko bumagsak ang kamay nya na nakayakap saken.
Unti unti ako tumingin sa mukha nya na payapang nakapikit.
Niyakap ko sya ng mahigpit.
Ang aking si Marquise.
Payapang iniwan na ako.
Umiyak ako habang yakap sya.
"Marquise... mahal na mahal kita... nasaan ka man ikaw lang ang mamahalin ko wala ng iba... magpahinga ka na malaya ka na sa sakit mo... mamimiss kita ng sobra sobra..."
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.