CHAPTER 40

41.6K 407 13
                                    

Naghihintay ako sa labas ng operating room. Malala ang tama ni Marquise sa dibdib. Nanlalamig ako dahil sa takot? Kahit ganun gusto ko gumanti di ko inaasahan na magiging ganito. Gusto ko lang naman ay maiparamdam lahat sa kanila ni Gigi. Muntik man kami mamatay ng anak ko dahil sa kanila, di ko naman gustong mapunta sila sa sitwasyon ganun. Gusto ko lang masaktan sila, maghirap at maranasan yun masasakit na bagay na pinaramdam nila samen.

Ano na ba mangyayari pagkatapos nito? Gagantihan ko pa ba si Marquise? Dapat ko ba pagsisihan to? Ganito na ba ako kasama at kaganid makaapganti lang? Oo masaya ako na nakita ko nasaktan ang babaeng sumira ng pamilya ko at dahilan ng lahat ng naranasan namin ng anak ko. Pero hindi lubos na kasiyahan.

Masakit saken makitang ginawa nya kay Marquise. Hindi ko akalain ganun sya karahas. To the point na patayin nya si marquise. Ganun ba talaga ang nagmamahal. Nagiging selfish?

Selfish din ako dahil sa nais ko makaganti.

Walang patid ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Sa ginawa ko. Ako rin ang higit na nasaktan. Ganito na ba kalayo ang narating ko at nagagawa ko na manakit ng kapwa ko?

Alam ko mali na gumanti at manakit ng iba. Sabe nga nila kapag may nanakit sayo, palampasin mo at hayaan ang Diyos dahil sya ng ang bahala sa kanila.

Nawala na ako sa sarili ko dahil sa kagustuhan ko. Ikahiya kaya ako ng anak ko?

Sa dami ng nangyari saken simula una hanggang ngayon, sa piling lang ni Mariam ako naging lubos na masaya. Kaya ko mabuhay ng walang lalaki sa buhay ko pero di ko kayang mabuhay ng wala ang anak ko.

Titigilan ko na ba to? Walang magandang idinulot. Nakasakit na ko. Nakasama pa saken.

Mapapatawad pa ba ako ng mga taong nasaktan ko?

Dapat ba nakinig ako kay Macky una palang?

Dapat ba ko magsisi sa lahat?

Ginusto ko to mangyari pero bakit di ko magawang sumaya at magcelebrate?

"Airam..." narinig ko ang pamilyar na boses na yun.

Tumingala ako at tumingin sa kanya. "Macky..." sambit ko sa pangalan nya habang luhaan ako. Niyakap nya ako at ganun din ako sa kanya.

Hinang hina ako sa mga nagawa ko. Akala ko magiging masaya pero hindi.

"Fifty fifty si Marquise, Macky, and its all my fault." nahikbing sabi ko.

"Shhh wag mo muna isipin yan ngayon. Magpakahinahon ka. Wag mo sisihin ang sarili mo." nakangiting sabe nya, mabait pa rin sya sa kabila ng lahat. "May plano si Lord sa lahat Airam, kung ano ang will nya, tanggapin nalang natin ng maluwag."

"Pero ako ang dahilan bakit sya nasa O.R. ngayon. Ako ang nagplano ng lahat." umiiyak na sabe ko. Lutang na lutang ako.

"Airam panahon na siguro para malaman mo ang lahat." nakatitig sa mukha ko at seryoso sya. "Handa ka ba makinig? Handa ka ba pakinggan lahat ng ipapaliwanag ko sayo?"

Tumango lang ako at naghintay ng sasabihin nya. Gusto ko malaman kung ano yun. Kinakabahan ako pero nais ko malaman lahat. Ayoko kumurap.

"Totoo na nagbalikan si Marquise at Gigi nun una, alam ko na alam mo na yun, pero nabago ang lahat, Nalaman ni Marquise na meron lalaki si Gigi to the point na nabuntis si Gigi ng kalaguyo nya. Sising sisi si Marquise sa mga nagawa nya, di nya inakala ganun ang babaeng sinamahan nya at ipinagpalit ka sa babaeng mapanlinlang. Mahal sya ni Gigi pero di ito marunong makuntento. Naghire sya ng private investigator para malaman lahat ng kilos ni Gigi. Nagsisi sya. Nakipaghiwalay kay Gigi. Humadlang ang pamilya nya sa mga plano nya. Binantaan sya na papatayin kayo ng anak mo kapag iniwan ni Marquise si Gigi. Para sa kaligtasan nyo nakisama si Marquise sa kanya. Bawat araw na lumilipas gusto nya kayo makasama at makita pero di nya magawa. Sa nagawa nya kasalanan isa lang ang napatunayan nya. Ikaw lang ang mahal nya wala ng iba. Kayo ng anak nyo."

Mahabang kwento ni Macky na di ko alam paano ko tatanggapin sa sarili ko. Dapat ba ako matuwa dahil mahal pala talaga ako ng asawa ko at inisip nya kapakanan namin at kaligtasan ng anak ko? O dapat ako maawa dahil naghirap din pala sya? Di ko akalain ganito ang naranasan nya. Luhaan lang ako nakikinig at tahimik.

"Hinanap ka nya at anak mo ng palihim. Hanggang bumalik ka isang araw na ibang iba na. Lahat kami nagulat sa pagbabago mo. Muli ka nakita ni Marquise at nangako sya sa sarili na aayusin ng pamilya nyo pero naduwag pa rin sya nun una, di nagtagal nabuo din ang loob nya ipaglaban ka at anak nyo. Wala sya alam na ganito ang gagawin mo paghihiganti, wala sya idea. Dahil naniniwala sya na ikaw pa rin yun babaeng pinakasalan nya na walang kasing bait, maunawain sa lahat at handang umintindi." patuloy nya. "Hanggang isang araw natuklasan nalang nya na meron sya sakit. May leukemia si Marquise. Pinili nya ipaglaban ka at makasama kahit ikamatay pa nya ang makasama ka. Itinago nya ang sakit nya dahil ayaw nya kaawaan sya ng lahat. Tanging ako lang ang sinabihan nya dahil ramdam nya ilan araw nalang ang itatagal nya. Mahina na sya pero pinipilit nya maging normal." pigil ang luha ni Macky, awang awa sa kakambal.

"Sana Airam mapatawad mo sya. Nagkamali man sya noon, pinagsisihan na nya lahat."

Tulala ako sa lahat lahat ng nalaman ko.

Bakit ko nagawa to? Napakasama ko na pala?

Lalong dumaloy ang luha sa mga mata ko. Awang awa ako kay Marquise. At ngayon nasa O.R. sya dahil sa kagagawan ko.

Diyos ko mapapatawad nyo pa ba ako?

Iligtas nyo po si Marquise. Parang awa nyo na.

Nagsisisi na po ako sa masamang nagawa ko. Kung kapalit po ay buhay ko makaligtas lang sya. Handa po ako ialay ang buhay ko sainyo.

SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon