CHAPTER 38

42.6K 472 34
                                    

Simula ng nakauwe ako nakailan text message at tawag na si Macky pero kahit isa wala ako sinagot.

Tuloy pa rin ang plano...



' Hi babe! Nasurprise ba kita? ' supresa ko kay Marquise sa pinto ng condo nya.

Niluwagan nya pagkakabukas ng pinto, sign na pumasok na ko sa loob. ' I miss you a lot babe... ' mabilis na yakap nya saken.

Sobrang higpit ng yakap nya na para bang mawawala ako oras na bitawan nya.

' Babe sobrang higpit naman ng yakap mo, di naman ako mawawala. ' nakangiting biro ko.

Non ko lang napagmasdan ang gwapo nyang mukha, namumutla sya, nanlalalim ang mga mata, namayat, mukhang may sakit!

' Babe di naman tayo matagal di nagkita, bakit ang bilis mo yata namayat? May sakit ka ba na di ko alam? ' bigla ako kinabahan at napuno ng pagaalala at awa sa lalaking kaharap ko.


' Wala ito babe pagod lang sa trabaho. ' iwas nya sa tanong ko.

Pinaniwala ko nalang ang sarili ko sa sinabe nya, siniksik ko sa utak ko kung bakit ako nandito, dahil maghihiganti ako at walang puwang ang salitang awa.


' Ok, anyway, can we go out? ' paglalambing ko.

' Sure babe, anywhere you want. ' sangayon nito.

Lumabas kami ng building. Hanggang nakarating kami sa parking area kung nasaan ang kotse nya.

Mabilis ang pangyayari bigla may humila ng buhok ko.

' Mga walang hiya kayo! Akala nyo siguro hindi ko alam ang panlolokong ginagawa nyo behind my back! ' sigaw at galit na sabe ni Gigi.

Gumanti ako at hinila rin ang buhok nya. ' So now you know the feeling of being betrayed. Kulang pa yan Gigi dahil mas masakit pa dyan ang ipaparamdam ko sayo. ' habang naawat si Marquise.

Umiyak si Gigi pero lalo nagalit. ' Inggrata ka! Malandi! Asawa ko inaagaw mo! '

' Asawa mo? Wag ka nga magpatawa Gigi. Pakinggan mo sarili mo. Im still his wife, his first legal wife. ' sabay sampal sa magkabila nya pisngi. ' Magising ka sa katotohanan na ayaw na sayo ni Marquise. ' tumawa ko ng parang baliw saka sumakay sa kotse.

Hawak ng guards ang naghihisterikal na si Gigi. While Marquise driving the car away from this building.

Nakikita ko panghihina nya. Dala marahil ng pagawat nya samen ni Gigi. Tinawagan nya siguro ang guards para umawat.

' Babe are you okay? ' tanong ko, putlang putla ang itsura nya. ' Gusto mo dumaan muna tayo sa hospital kase mukhang di ka okay sa nakikita ko. '

' W-wag na. Okay lang ako. ' nautal na sagot nito na lalong nagpaduda saken.


Halatang may tinatago si Marquise na dapat ko malaman.

Dahil sa nangyari samen ni Gigi mas nais ko lalo maghiganti, nanumbalik lahat ng galit at sakit na pinaranas nilang dalawa saken. Ngayon unti unti ko ng mapaparamdam sa kanila yun.

SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon