"Nahanap mo na ba pinapahanap ko?" seryosong tanong ko.
"Wala pa rin po sir." malumanay na balita nito.
"Anong klaseng paghahanap ba ginagawa mo?! Binabayaran kita ng malake tapos hanggang ngayon wala pa rin!! Pangatlong taon mo ng tinatrabaho to!!" galit na galit na sigaw ko sa ni-hire ko maghanap sa asawa at anak ko.
"Sir lahat na po napuntahan namin. Yun taxi driver na nasakyan nya noon umalis sa hospital sa kasamaang palad namatay na ho bago pa natin mahanap. Hindi po ako titigil sa paghahanap." mababang tono na saad nito.
"Dapat lang!! Siguraduhin mo na pagbalik mo dito sa opisina ko nahanap mo na sila!! Sige makakaalis ka na!!" galit pa rin na sigaw ko.
Simula ng umalis si Airam kasama ang anak namin hindi ako tumigil para ipahanap sila.
Kahit magkasama pa rin kami ni Gigi hindi ako tumitigil sa pagpapahanap.
Malaman ko lang na nasa maayos sila kalagayan masaya na rin ako.
Hanggang ngayon mahal na mahal ko sila at di nawala sa isip at puso ko.
Malinaw pa rin sa isipan ko ang itsura ng mag-ina ko.
Umaasa ako na isang araw makikita ko rin sila.
"Sir nandito na po ang assistant event organizer. Hindi pa po nadating sa bansa si Ms. Airelle Lucas. Sa araw daw po sya ng event darating kaya yun assistant daw po muna nya ang bahala sa lahat. Marami pa raw po inaasikaso si Ms Lucas sa Paris." natatakot na paliwanag nito.
"Sige papasukin mo na sya." pinilit ko maging mahinahon.
Huminga ako ng malalim bago nakipagusap sa assistant ng event organizer. Malapit ng event kaya dapat maging maayos ang lahat.
Hanggang ngayon di ko pa nameet ang event organizer na si Ms. Airelle Lucas. Isa sya fashion designer, event organizer, fine artist and interior designer. Talented na babae sa isip isip ko. Sa makalawa ng event.
●●●
Life goes on.
It was three years now since Airam left us.
Lahat kame umaasa na isang araw babalik sya kasama si baby Mariam.
We are still waiting for that day.
And if that day comes.
I will never let her go again.
I love her more than anyone else.
Hindi ko nakipagrelasyon sa iba dahil sya lang talaga ang laman nito.
"Dude! Iniisip mo nanaman sya. Mackenzie kalimutan mo na yan sis inlaw mo." basag trip talaga to si Stanley kahit kailan.
"Mackenzie ka dyan! Macky dude! Kung maka-mackenzie ka naman wagas! And you alreay know naman dude na sya lang ang laman nito." sabay turo sa didib ko.
"Corny mo dude! Haha! Pero seryoso. Wala pa rin ba lead kung nasaan sila?" tanong nito
"Wala pa rin dude. Alam mo naman lahat ng ginawa ng kapatid ko sa kanya. Sa tingin mo ba magpapakita pa yun. Sobra sya nasaktan and worst muntik pa sya mamatay sa kagagawan ng kapatid ko. She gave him a chance pero sinayang nya lang dahil nahuli nanaman sya nito. Tapos iniwan sya at sumama muli sa babae nya. Tsss." galit pa rin ako sa kapatid ko kahit tatlong taon ng lumipas. napatawad ko na sya pero yun galit nandito pa rin.
Napatingin ako sa sulok na bahagi ng bar.
May isang babaeng magisa umiinom. Napakaganda nya.
Tumayo ako at lumapit.
"Hi miss. Can I join you?" using husky seductive tone.
Tumunghay sya at tumingin.
Parang kamukha nya si...
Si...
"Airam?..." I whisper. gulat na gulat ako. she really looks like Airam sophisticated and elegant version.
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
عاطفية"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.