•••MARQUISE
Hanggang makarating sa hospital tulala pa rin ako. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan kong nangyari sa asawa ko. Sana masamang panaginip nalang to at bigla ako magising. Nakakatakot. Manhid ang buo ko katawan. Nagflashback sa isip ko lahat ng nangyari. Nakakanginig ng kalmanan at tuhod.
Ilan oras ng nakalipas di pa rin lumalabas ang doctor. Natatakot ako. Kinakabahan. Ayokong mawala si Airam. Ayokong iwan nya ako. At kailangan sya ng anak namin. Sigaw ng isip ko.
Isang suntok ang nagpabalik saken sa reyalidad. Hindi ako lumaban sa kakambal ko. Hinayaan ko lang sya hanggang mamanhid lalo ang katawan ko at di na makaramdam ng sakit. I deserved all of his punch. Ako na ang pinakawalang kwentang tao sa mundo. Hinayaan ko lang ang mga luhang tumulo sa mga mata ko.
"Kung alam ko lang Marquise na ganito ang gagawin mo kay Airam sana di ko na hinayaang makalapit ka sa kanya! Hindi ko mapaniwalaan na kakambal kita! Wala kang kwentang asawa at ama!" galit na galit si Macky habang patuloy pa din sa panununtok sakin.
"Kapag may nangyari masama kay Airam lalo na sa pamangkin ko. Hindi kita mapapatawad kahit magkapatid tayo. Tandaan mo yan" patuloy nya.
"Macky tama na. Wala na tayo magagawa dahil lahat nangyari na. Mas makabubuting gawin ay ipagdasal natin ang kaligtasan at paggaling ni Airam at apo ko." malumanay na sabe ni Papa.
Tumahimik si Macky at umupo. Masama pa rin ang tingin nya saken. Kita ko ang galit sa mga mata nya.
Yumuko ako. Sising sisi ako dahil isa ako malaking gago. Sa lahat ng pagmamahal at pagaalaga nya saken ito pa ang isinukli ko.
Bumukas ang pinto at lumabas ang doctor. Napatayo kami at lumapit.
"D-doc l-ligtas na po ba ang asawa ko?" natatakot na tanong ko. kinakabahan ako sa maari nya isagot. umaasa ako na sana ligtas sya.
"Kamusta ho ang lagay ng daughter inlaw ko? Ligtas na ho ba sya?" tanong ni Papa.
Hindi agad ito sumagot.
"Doc ano na ho kamusta ho sya at ligtas ba po ba sya?" puno ng pagaalala si Macky.
"Wag ho kayo mabibigla. Ginawa po namin ang lahat para mailigtas sya. Stable na po ang lagay nya malayo na sa panganib pero." putol ng doctor na lalo nagpakaba saken.
Relief kami dahil malayo na sya sa panganib.
"She's coma. Sorry." patuloy ng doctor.
Nasuntok ni Macky ang pader. Si Papa napaupo at natahimik.
Ako. Nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Shock na shock ako. Napasandal ako sa pader para di ako matumba. Nanghihina ako sa sinabe ng doctor.
"Hindi ko matutukoy kung kailan sya magigising. Maaring weeks. Months. O years. Malakas ang impact ng pagkakabangga sa kanya at ang ulo nya ang nasapul nito. Magpasalamat tayo dahil nakaraos sya kahit papaano. Ipagdasal natin ang paggising nya at patuloy na paggaling. Lumalaban ho sya kailangan ho nya ang dasal ninyo. Mauuna na ho ako." patuloy ng doctor saka umalis.
"Kasalanan mo lahat to Marquise. Wala kang awa at konsensya!" paninisi ni Macky saken.
Nakatungo lang ako. Lalo ako namanhid sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko tumigil ang pagikot ng mundo ko. Paulit ulit ang sinabe ng doctor sa utak ko.
"She's coma. Sorry."
"She's coma. Sorry."
"She's coma. Sorry."
Nawalan ako ng lakas at napaluhod.
"Airam..."
"Airam..."
"Airam..."
paulit ulit na banggit ko sa pangalan nya at umiyak ng umiyak.
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.