•••MARQUISE
"Thanks God anak nakapagdesisyon ka na. Alam ko na sa pamilya mo pa rin ikaw babalik. Welcome back anak." masayang bati sakin ni Papa.
I just nod at him and excuse myself. Gusto ko syang makausap ng masinsinan.
Paggising ko nito umaga I left Gigi's house and left a letter for her. Decided na ako balikan ang pamilya ko. Where I truly belong. I missed everything, every details. Wala ako alam sa mga nangyari. Alam ko masasaktan si Gigi pero alam ko rin makakayanan nya ng wala ako. Kailangan ako ng magina ko. Mas kailangan nila ako kumpara kay Gigi. Masakit saking iwan sya pero gagawin ko kung anong tama.
Bumalik ako para makapagsimula kami ulit ni Airam.
Babawiin ko sya kay Macky.
Di ako papayag na mawala sya saken at ang anak ko.
Itatama ko ang lahat at bubuuin ang pamilya ko.
DUMIRETSO agad ako sa hospital pagkatapos ko idaan ang mga gamit ko sa bahay. Nadatnan ko si Airam at Macky sa hospital room ni Airam na magkayakap.
"Macky pwede ba bitawan mo ng ASAWA KO." utos ko sa kakambal ko.
Pareho silang nagulat. Hindi ko napansin na umiiyak pala si Airam.
"Ayoko makipagtalo sayo kahit galit ako. Kung may sasabihin ka kay Airam sabihin mo na dahil hindi ako aalis sa tabi nya. Hindi ako papayag na saktan mo sya ulit. Labis nang sakit ang nararanasan nya para dagdagan mo pa at ulit ulitin." matigas na saad ni Macky na ikinagulat ko.
"Macky... Hayaan mo nalang muna kami makapagusap. Salamat sa pagaalala, salamat sa lahat." pakiusap ni Airam at tumango kay Macky.
"Wag na wag mo sya sasaktan dahil akong makakalaban mo." paninigurado ng kakambal ko.
Sa isip ko napatunayan ko ang kinikilos ni Macky.
May nararamdaman sya para kay Airam. Mahal nya ang asawa ko. Sigurado ako dun.
Nasaktan ako pero di ko masukat kung gaano kasakit, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko dahil sa nakikita kong determinasyon nang sarili kong kakambal, nababasa ko sa mga mata nya kung ano ang totoong nararamdaman nya kay Airam, lalaki ako at alam ko kung anong ibig sabihin ng mga emosyong pinapakita nya.
Tumingin ako kay Airam bago nagsalita.
"Maari ko bang malaman Airam? May namamagitan ba sainyo ng kakambal ko habang wala ako?" matiim ang tingin ko sa kanya habang nagtatanong dahil gusto ko makasigurado.
"Anong klaseng tanong yan Marquise? And why all of the sudden heto ka susulpot sa harapan ko at magtatanong ng ganyan? Alam mo na ikaw lang ang minahal ko ng sobra sobra higit sa sarili ko. Tapos tatanungin mo ako ng ganyan? Ganyan ba kababa ang tingin mo saken? Na pati kapatid mo pinagiisipan mo ng hindi maganda?" bakas ang sakit sa boses ng asawa ko habang nagsasalita.
"Sinisigurado ko lang dahil ayoko ng niloloko ako." walang emosyong sagot ko.
"Niloloko? Naririnig mo ba ang sarili mo Marquise? Sino ba sa ating dalawa ang nagloko? Ang nangiwan? Sino sa atin ang nagpabaya sa relasyon na to? Sino ang sumira at sumama sa iba? Alam na alam mo na hindi ko kayang gawin sayo ang kung ano man iniisip mo dahil labis kitang mahal." puno ng pait at sumbat na sabi nya. "Wala akong panahon makipagtalo sayo Marquise. Mas mahalaga saken ang buhay ng anak ko kesa ubusin ko sayo." bakas ang galit at sakit sa maamo nyang mukha, lumakad sya papunta sa pinto.
Hinarang ko ang daraanan nya.
Nagtatanong ang mga mata ko.
Natigilan sya.
"Mahal mo ba si Macky?" tanong ko ulit.
Huminto sya at umiling saka akmang bubuksan na ang pintuan.
Hinawakan ko sya sa braso at iniharap saken. Masakit saken na makita syang luhaan. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita ko sa kanya. Halata sa mukha nya ang hirap na pinagdadaanan. Kitang kita ko sa mga mata nya ang sakit at lungkot. Halo halong emosyon ang mababanaag sa mga mata nya.
"Ginusto kong malaman dahil gusto ko makasigurado at ----" panimula ko pero bigla sya nagsalita.
"Marquise... Tell me. Minahal mo ba ako? At first I believe that you love me but when I got pregnant and we got married. Di ko na naramdamang mahal mo ako at may halaga ako. Lumipas ang mga araw na hinayaan mo lang ako na magisa kahit nahihirapan ako sa pagbubuntis ko noon di mo ako iniintindi. Oo naappreciate ko na inuuwian mo ako ng mga gusto ko. Pero hanggang dun lang. Alam mo na hindi ako materialistic na tao. Kaya walang halaga saken ang kahit na ano pang ibigay mo. Alam mong hindi materyal ang kailangan ko Marquise. Ikaw ang kailangan ko nun mga panahong yun!" sumbat nya sakin. "Naglabor ako at nanganak pero wala ka sa tabi ko. Umuuwi ka ng madaling araw, umaga na, o dalawang araw na ang nakalipas. Umuuwi kang gabi gabi lasing. Paguuwi mo at nakikita mo ako madalas mo ako saktan at pagsalitaan. Pero lahat yun tumahimik lang ako. Lagi mo sinasabi na galing ka sa barkada. Nahihiya ka sa kanila. Saken ba kailan ka nahiya? Dumating ang araw na nalaman ko niloloko mo ako. Napatunayan ko na meron ka iba. Nahuli ko kayo sa office mo mismo. Imbes na ikaw ang surpresahin ko, ako pa mismo ang nasorpresa mo aa dinatnan ko doon. Nagsalita ba ako? May narinig ka ba saken? Wala diba? Bagkus sinasaktan mo pa ako tuwing umuuwi ka. Alam na alam mo lahat ng pananakit mo saken. Halos pagtabuyan mo ako Marquise. Para akong basahan na basta mo nalang sinasantabi pagkakagamit mo. Sa lahat ng yan Marquise nanahimik lang ako. Ano isinukli mo sa pagmamahal at pagaalaga ko sayo? Sinaktan ko ako. Pinatay mo ang pagkatao ko. Binaboy mo ako Marquise. Pagod na ako Marquise. Pagod na pagod na ako. Hirap na hirap na ako sayo. Kumakapit lang ako sayo dahil ayokong mawalan ng ama ang anak ko. Ayokong lumaki sya sa broken family. Pero nagawa mo pa rin kaming iwan at ipagpalit sa iba. Wala kaming halaga sayo Marquise. Wala!" walang patid ang luha na masaganang lumalabas sa mga mata nya, punong puno ng sakit ang bawat salita nya. "Tell me Marquise. Why dont you love me? The way I love you?"
Nagulat ako sa outburst ni Airam. Hindi ako nakahuma. Wala akong maisagot. Napipi ako dahil lahat ng mga sinabi nya totoong ginawa ko. Guilty ako. Lahat ng mga sinabe nya tagos hanggang puso ko.
Ganoon na ba ako kasama? Umabot ako sa sukdulang nasaktan ko na ang asawa ko ng sobra sobra para lang makasama ang babaeng nagpapasaya sakin.
"Please. Tell me you still inlove with me. Tell me you still care and love me." luhaan na pakiusap ni Airam pero wala akong maisagot, walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit anong buka ang gawin ko.
Labis ko sya nasaktan. Walang kapatawaran ang nagawa ko.
Nagtatanong ang mga mata nya. Naghihintay ng sagot.
Wala ako nagawa kundi yakapin sya ng mahigpit na mahigpit at umiyak.
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.