Lumakad ako ng lumakad ngunit wala ako makita kundi dagat, buhangin, mga puno, sa isang isla ako dinala ni Macky!
Nawalan ng lakas ang mga tuhod ko sa kawalan ng pagasa. Napaiyak nalang ako. Nais ko talagang makapaghiganti sa ginawa ni Marquise saken at sa anak namen. Gusto ko maranasan nya at maramdaman kung gaano kasaket lahat lahat.
Sa kabilang banda alam ko tama si Macky pero mas nanaig saken ang galit at nais makaganti.
Pagod na ako sa nararamdaman ko galit pero ito talaga ang gusto ko gawin, alam ko ito makakapagpasaya sa akin.
Lumakad ako pabalik sa kinaroroonan ni Macky. Makikiusap ako.
Makalipas ang mahabang oras ng paglalakad nakarating din ako. Habang papalit narinig ko may kausap si Macky.
"Ako ng bahala kay Airam. Mahal ko sya at handa ako gawin ang lahat para sa kanya. Itutuwid ko ang daan na tinatahak nya." sabi nito. "Wag ka magalala hinding hindi ko sila pababayaan."
Sino ang kausap nya? Labis ako nagtataka sa mga narinig ko.
"Wag ka magalala mapapatawad ka rin nya... Hindi pa naman huli ang lahat, tutulungan kita bro." sabi pa nito.
Si Marquise ang kausap nya, ano ibig sabihin nito? May binabalak sila na di ko alam?
"Kanina ka pa dyan?" nakalapit na agad si Macky saken ng di ko namamalayan.
"Ano ibig sabihin nito Macky? Naguguluhan ako, si Marquise yun diba?! Pinagkakaisahan nyo ako!!" sigaw ko sa kanya.
"Oo Airam sya nga. May nais ako ipakiusap sayo. Sana mapagbigyan mo." sabe pa nito na lalo nakapagpagulo sa isip ko, wala ako maintindihan, bakit parang mababaligtad ang mundo at ang mga plano ko?
Hindi maari...
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.