•••MARQUISE
Lumipas ang mga buwan at magiisang taon at kalahati na syang comatose. Hindi pa rin nagigising si Airam simula ng aksidente. Lagi ko syang binabantayan.
Nakalabas na ng hospital ang anak namin. Magaling na at nakauwi na ng bahay. Kung gising lang sana si Airam alam ko matutuwa sya. Naicelebrate ang birthday ng anak namin ng wala syang malay. Araw araw ko sya kinakausap at sinasabing mahal ko sya at araw araw din akong humihingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko. Kahit sa ganitong paraan makabawi manlang sana ako.
Kita ko rin ang pagmamahal ni Macky sa asawa ko. Alam ko kahit di nya sabihin, nararamdaman ko.
"Mahal ko sana magising ka na para makita mo na ang anak natin. Malaki na sya. Makulit at malikot. Mamaya andito ulit si Mariam para dalawin ka. Magmulat na sana ang mga mata mo. Hihintayin ka namin. Alam ko naririnig mo ako. Mahal na mahal ka namin. Patawarin mo sana ako sa mga kasalanan ko sayo. Habang buhay ko pagsisihan ang lahat. Gumising ka lang babawi ako sayo." pagkausap ko sa kanya, alam kong kahit coma sya naririnig nya ako, hinalikan ko ang kamay nya na hawak ko.
Nagulat ako.
Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay nya. Guni guni ko lang ba ito o totoong gumalaw sya?
Sabay dating ng doctor dahil nagrarounds ito para icheck ang mga pasyente nya.
"Doc! G-Gumalaw po ang kamay ng asawa ko! I-I swear totoo." masayang balita ko sa doctor, hindi ako makapaniwalang totoong gumalaw ang kamay nya, pero naramdaman ko, totoo!
"Sige ho icheck ko sya." saka lumapit ang doctor at chineck sya.
Gumalaw muli ang kamay nya na hawak hawak ko.
"See doc! Gumagalaw talaga sya." tuwang tuwa kong sabi.
Unti unting nagmulat ang mga mata nya. Nasilaw marahil sa liwanag kaya muli nya ipinikit ng mariin saka nagmulat. Hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi ng doctor dahil sa sobrang kaligayahan ko dahil sa wakas nagising na sya.
"Airam..." umiiyak na yakap ko agad sa kanya. "Salamat nagising ka na..." sabay pahid ko ng luha.
Mukhang nagulat sya sa inakto ko. Bahagya nya ako itinulak na ikinagulat ko.
"S-sino k-ka? N-nasan a-ako?" nagtatakang tanong nya.
Hindi ko maintindihan ang reaction nya. Parang hindi nya ako kilala.
"Doc ano nangyari? Bakit parang di nya ako makilala?" takang tanong ko sa doctor.
Pinalabas muna ako. Chineck sya. Saka lumabas ang doctor.
"May temporary amnesia sya. Weeks or months bago bumalik ang ala ala nya. For now she needs rest, wag muna natin pilitin na makaalala sya." paliwanag ng doctor, nalungkot ako pero ang mahalaga gising na sya, pumasok ako sa kwarto at inihanda ang isang matamis na ngiti.
"Hi! Salamat at nagising ka na." bati ko pagpasok ng kwarto.
"Sino ako? Sino ka? Bakit ako nandito?" tanong nya, halatang naguguluhan, bakas ang pagkalito sa maganda nyang mukha.
"Ikaw si Ariam Elle Lucas Weiss. Airam ang tawag namin sayo. Ako si Marquise. Asawa mo ako. Meron tayo isang anak na babae. Si Mariam. Naaksidente ka kaya matagal ka nandito sa hospital. Nacomatose ka ng isa't kalahating taon." paliwanag ko.
"Wala ako maalala. Pasensya ka na." tumungo sya.
"Okay lang pinaliwanag na ng doctor na meron kang temporay amnesia. In time maalala mo rin ang lahat. Magpahinga ka nalang muna ngayon. Nagugutom ka ba? Ikukuha kita ng pagkain."
Tumango lamang sya. Kumuha ako ng pagkain.
"Ako nalang magsusubo sayo." gustong gusto ko gawin sa kanya to.
"Wag na ako nalang kaya ko naman." nahihiyang sabi nya.
"No... I insist." wala rin syang nagawa, ang sarap sa pakiramdam ko na inaalagaan ko sya.
Pagkatapos kumain dumating sila Papa kasama si Macky at Mariam ganun na rin si Manang na karga ang anak namin.
Masayang masaya silang sa wakas gising na si Airam.
"Airam sya nga pala si Papa ang father inlaw mo. Si Macky naman kapatid ko at kakambal. Si Mariam ang nagiisang anak natin. At si manang ang nagaalaga sa kanya." pagpapakilala ko sa kanya.
"Masayang masaya ako Airam na nagising ka na." masayang sabi ni Macky.
Nakatingin lang sya pero agad nya kinuha ang anak namin na nakangiti sa kanya at nilaro.
Niyakag ko sa labas si Papa at Macky para makausap habang nilalaro ni Airam ang anak namin.
"Papa. Macky. May temporary amnesia ang asawa ko. Maalala nya rin ang lahat. Weeks or months man wag natin syang ipressure na makaalala." paliwanag ko at naintindihan naman nila.
Saka kami bumalik sa loob matapos ko ipaliwanag.
Masaya kami na gumising na sya. Matagal rin kami hindi nagpansinan ng kapatid ko. Alam ko galit pa rin sya hanggang ngayon. Darating rin ang oras na mapapatawad nya ako.
Dumating ang araw na nailabas na namin si Airam at naiuwi. Masaya ako. Buo na ang pamilya namin. Hindi ko na ito sisiraing muli. Aalagaan ko sila at mamahalin. Ibibigay ko lahat ng makakaya ko.
Nahiling ko rin na sana wag nalang makaalala si Airam para masaya na kami ng tuluyan. Oras na bumalik ang alaala nya siguradong babalik ang galit nya and worst iwan nya ako ng tuluyan kasama ang anak namin.
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.