CHAPTER 33

49.6K 485 28
                                    

After work dumiretso ako sa unit ni Airam. Pagdating ko dun nakahanda ng dinner. Candle light. Nageffort talaga sya para saken. Napatawad na ba nya ako? Di bale na namiss ko ng sobra ang mga luto nya. Ienjoy ko nalang.

"Babe?" tawag ko sa kanya.

"Hi Babe nandyan ka na pala. Alam ko pagod ka at gutom na halika na kumain." ang bango nya. bagong ligo. napakaganda nya sa blue dress na suot nya. kitang kita ang curve ng katawan nya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Hinalikan ko sya pero hindi matagal.

"Sorry for everything Babe. Alam ko kung gaano ako katanga para hindi makita kung gaano ka kabuti saken noon. Patawarin mo sana ako sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko sayo at kay baby Mariam. Hindi pa sana huli para mapatawad mo ako. Hindi pa sana huli para mabuo ang pamilya natin. Hindi ako mangangako ng kahit ano pero gagawin ko ang lahat para sa pamilya natin. Mapatawad mo sana ako kung iniwan ko kayo muli noon. In time malalaman mo rin ang dahilan." hingi ko ng tawad.

Tahimik lang sya na nakatingin saken. Nagtataka marahil sa huling sinabe ko dahil bakas sa mukha nya ang pagtataka.

"Kumain na tayo baka lumamig ang mga niluto mo. Miss ko na to eh." yakag ko sa kanya at nagsimula na kami kumain.

Patapos na kami sa pagkain ng magring ang phone ko.

Ring ring ring

Gigi Calling...

Ring lang ng ring hindi ko sinasagot.

"Bakit hindi mo sagutin?" sabe nito.

Nakatingin ako at nagdadalawang isip kung sasagutin ko ba o hindi.

Hindi ko na napigil si Airam ng hablutin ang phone at sinagot. Naka-loudspeaker pa.

"Hi Gigi. Sorry but Marquise is busy right now. He cant talk to you." sabe nito.

"Sino ka naman babae ka?! Bakit ikaw ang sumagot ng phone ng asawa ko?! Malandi kang babae ka! Humanda ka saken!" galit na sabe ni Gigi.

Nagulat ako sa reaction ni Airam. Tumawa ito na para ba hindi natatakot. "Guess who. Kilalang kilala mo ako. Pinapatawa mo naman ako Gigi. ASAWA? Pagkakaalam ko kabet ka lang nya. So pano naging ikaw ang ASAWA NI MARQUISE?" tumawa ulit si Airam. "May salamin ba dyan? Try mo muna manalamin bago ka magsabe ng MALANDI." ngumiti sya at tumingin saken. "Babe can you tell her who is your LEGAL WIFE? Nawawala na ata sya sa sarili."

"Mga walanghiya kayo! Pagnalaman ko kung sino kang babae ka humanda ka saken! Ang kakapal ng mukha nyo! Humanda ka saken Marquise!"

"Gigi wag ka magsalita ng ikaw rin ang tinatamaan. See you soon." sabe ni Airam sabay end call.

"Why did you do that?" mahinahon na tanong ko. gulat ako sa ginawa nya. palaban na sya hindi gaya noon na tahimik lang.

"Dahil gusto ko." she laugh.

"Hindi ka ba natatakot sa banta nya? Sana di mo nalang ginawa." sabe ko.

"Bakit ako matatakot sa kanya? Wala naman ako ginawa masama diba. Your my husband and im your LEGAL WIFE kahit baligtarin mo pa ang mundo. Why Marquise?"

"Ayoko masaktan ka at mapahamak."sagot ko.

Niyakap nya ako at hinalikan. "Dont worry Babe kaya ko sarili ko. Sya ang dapat matakot saken."

Parang hindi si Airam ang kaharap ko ngayon na humahalik saken. She really changed. From a very simple and plain housewife turn to a very strong, smart, sophisticated, elegant, career woman. She's flirt at me now, she's really hot.

I deepen our kiss hanggang mapahiga kami sa couch. She's on top and im under her. She started to kiss my jaw down to my chest, my abs. God she's making me crazy. Hinila ko sya pataas bago pa bumaba ang halik nya. Ayoko gawin nya yun. "I dont want you to do that babe."

"But I want to." sagot nito. "No babe. Leave it all to me." Nagpalit kami ng pwesto. Then we made love at her couch.

Nakatulog sya pagkatapos may mangyari samen. Tinitigan ko lang sya habang natutulog.

Ako ang dahilan kung bakit ganito nalang sya kumilos. Kung bakit ang laki ng pinagbago nya. Patawad Airam. Sa lahat. Mahal na mahal kita. Itatama ko ng lahat oras na mapatunayan ko na tama ang kutob ko kay Gigi. Mabubuo tayo muli kasama si Gino.

SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon