•••MARQUISE
Lumabas ako para magpahangin at makapagisip isip.
Gigi Calling... nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.
Hello... Marquise please... We need to talk...
"Wala na tayo dapat pagusapan dahil tapos na tayo. Iniwan na nga kita diba. Mahal ko ang pamilya ko at ayoko na masira ulit ito...."
Its not about us... Its about our son... We need you... Please come back to me... My dad got mad when he found out that I gpt pregnant and you left me... He threaten me... Kapag hindi ka bumalik.... umiiyak na paliwanag nya.
"Ano ibig mo sabihin? Tinatakot mo rin ako? NO!! Hindi na kita babalikan. Kung anak ko nga yan. Susuportahan ko sya. Pero ang balikan ka... NO WAY!!!" galit na tanggi ko.
Alam ni dad na may sarili kang family. Tinatakot nya ako na papatayin ang family mo kapag di ka sumama saken. Kilala ko sya. Alam ko na gagawin nya kung ano man ang sinabi nya. Marami connections si Dad. So please... Listen to me.
Hindi ko inaasahan ito. Natahimik ako. May mangyayaring masama sa pamilya ko oras na hindi ako sumama sa kanya. And knowing her Dad, a retired general. Hindi malabo na mangyari nga iyon.
"Sigurado ka ba dyan?" tanong ko.
Oo. Di ako nagsisinungaling.
"Ok magkita tayo sa restaurant na lagi natin pinupuntahan."
Okay. and the line went dead.
PAGDATING ko sa restaurant natanaw ko na agad si Gigi kasama ang bata.
"Ano ba ito Gigi?" tanong ko agad habang nakatingin sa mukha ng bata.
Nagulat ako dahil carbon copy ko ang bata. Hindi ko maipagkakaila na anak ko nga ito.
"Marquise patawarin mo ako hindi ko nasabi sayo na buntis na ako ng mga oras na yun. Dahil sa nangyari kay Airam pinili ko nang lumayo dala na rin ng guilt. Hindi ko naitago ng matagal ang anak natin. Nalaman din ni Dad ng supresahin nya ako sa bahay. Binantaan nya ako na kapag hindi naayos at hindi tayo nagkasama. Papatayin nya ang pamilya mo. Ayoko mangyari yun. Sobrang nasaktan ko na si Airam na umabot pa sa muntik na nya ikamatay. Sana maintindihan mo ako. Patawad." lumuluhang paliwanag ni Gigi.
Hindi ako makapaniwala. Kung kailan inaayos ko na ang lahat samin ni Airam, kahit ayaw nya akong makita handa akong suyuin sya araw araw. Ngunit heto. Ayokong mapahamak ang pamilya ko.
"Sige sasama ako sayo. Hintayin mo ako mamaya sa bahay..." galit na sagot ko.
Hindi na ako nagdalawang isip pa dahil ayoko mapahamak ang pamilya ko.
Kulang pa ba pagsisisi ko para umabot sa ganito ang lahat ng nagawa ko?
Bakit kung kailan itinatama ko ng lahat ng mali ginawa ko.
Nilalayo naman ako sa mga taong mahal ko.
Hindi na ba ako makakabawi sa kanila?
Gagawin ko ang lahat para kay Airam at baby Mariam.
Ayoko silang mapahamak.
Kung ang paglayo ko at pagsama muli kay Gigi ang makakabuti sa kanila.
Gagawin ko alang ala sa kanila.
Sana mapatawad pa nila ako.
Sa muli kong pagiwan sa kanila.
Lumakad ako papunta sa kwarto ni Airam.
Mahimbing na syang natutulog.
Nagiwan ako ng note sa side table.
Patawarin mo sana ko Airam at baby Mariam. Gagawin ko to para sa kaligtasan nyo. Alam ng Diyos kung gaano ko nagsisisi at gaano ko kagustong bumawi sainyo sa lahat ng mga nagawa ko at panahong sinayang ko. Mukhang di ko na magagawa.
Mahal na mahal ko kayo....
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1
Romance"Why don't you love me the way I love you?" Only one question. But Im afraid to hear his answer. Despite all the wicked things he done. "Tell me you still inlove..... I really love you...." I STILL LOVE HIM WITH ALL OF MY HEART AND SOUL.