SPECIAL CHAPTER

52.5K 538 33
                                    

Makalipas ang isang buwan.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na wala na sya.

Nawala sya ng nasa tabi ko.

Ang lalaking pinaka mamahal ko.

Hawak ang susi na iniwan nya.

Binuksan ko ang drawer at nakita ko ang mga bank books nya mga papeles at isang sulat.

Nakita ko nakasulat sa sobre. Kinuha ko at binasa.

To the love of my life my wife my one and only love... Airam...

"Hindi ko alam paano sisimulan ang huling sulat ko na to. Pero gusto ko pa rin humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko sayo at sa anak natin. Kahit na pinatawad mo na ako. Gusto ko pa rin humingi ng tawad. Mahal na mahal ko kayo. Salamat sa pagbibigay saken ng chance na makasama kayo muli hanggang sa huling sandali ng buhay ko. Sa laman ng drawer na ito lahat ng iniiwan ko sainyo. Inilipat ko lahat sa inyo ang lahat na meron ako. Salamat sa wagas na pagmamahal. Lagi lang ako nandito para sainyo."

"Kung bubuksan mo muli ang puso mo at magmamahal ka ng iba kung may posibilidad gusto ko sana na si Macky ang lalaking iyon. Alam ko at sigurado ako sa kanya na hindi kayo pababayaan at sasaktan. Alam ko na mahal ka nya. Kung may posibilidad sa hinaharap sana sya ang ipalit mo sakin. Salamat mahal ko."

Walang patid ang luha sa pagagos. Buhay na buhay si Marquise sa pakiramdam ko habang binabasa ko ang huling mensahe nya.

Ang kahilingan nya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko kaya magmahal ng iba dahil sya lang ang nagiisa para saken.

Mahal na mahal kita Marquise. Alam ko lagi ka lang nasa tabi ko.

SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon