CHAPTER 19

58.3K 634 15
                                    

•••MACKY

Hindi ako makapaniwala sa nangyari kay Airam. Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Sana di ko nalang hinayaan makalapit si Marquise sa kanya. Hindi na sana ako nanahimik nalang. Puro "sana" ang nasa isip ko. Wala akong nagawa. Nakakapanlumo.

Labis ang pagaalala ko kay Airam. Pakiramdam ko huminto ang mundo ko, nahihirapan akong huminga habang tinititigan sya mula sa labas, nasa loob sya ng ICU. Kailan ko kaya ulit makikita ang matatamis nyang ngiti at ang pagtawa nya.

Sobrang kamalasan ang dinala sa kanya ng kapatid ko. Lahat ng paghihirap nya si Marquise ang may kasalanan, ang may kagagawan.

Alam kong mali at hindi dapat ako mag-ukol ng damdamin para sa kanya pero hindi natuturuan ang puso, hindi napipigilan.

Hindi ko inaasahan mahuhulog ang loob ko sa kanya. Mabait sya, maalaga, bukod dun nasa kanya na lahat ng hinahanap ko sa isang babae. Kaya ganito nalang ang pagaalala ko at takot na mawala sya saken.

Nakuntento ako na makita at makasama sya bilang sister inlaw. Ginagawa ko ang lahat at pinupunan ang pagkukulang ng kapatid ko para sa kanya at sa pamangkin ko na tinuring kong tunay na anak at akin.

Sinalo ko ang responsibilidad ng kakambal ko hindi dahil sa awa o sa utos ni Papa. Dahil sa utos ng damdamin ko. Utos ng puso ko. At yun ang gusto kong gawin, pagsilbihan sya, alagaan, mahalin kahit wala akong inaasahang kapalit.

Ngayon ang babaeng mahal ko. Matagal bago pa magigising. Umaasa akong isang araw makikita ko sya at masisilayan ko ulit ang matamis nyang ngiti.

Kapag dumating ang araw na magising sya. Hindi ko na hahayaan malapitan sya at saktan muli ng kapatid ko. Poprotektahan ko sya sa lahat ng sakit at hirap na maari nyang maranasan.

"Airam... sana magising ka na. Alang ala sa anak mo. Pangako pag gising mo hindi ko na hahayaan maghirap ka at masaktan. Poprotektahan kita sa lahat. Kahit hindi ko na aminin ang nararamdaman ko para sayo. Makita lang kitang gising at nakangiti okay na ako. Kaya sana gumising ka na. Isipin mo ang anak mo. Malapit na 1st birthday nya. Hindi ko kaya na nakikita kang ganito. Magpagaling ka. Hinihintay ka na namin." magisa ako dito sa hospital room ni Airam, nasa labas si Papa at Marquise, kinausap ko sya habang hawak ang kamay nya.

May benda ang ulo nya, may sugat sa mukha, mga pasa sa braso at mga binti, marami syang gasgas. Awang awa ako sa kanya pero wala akong magawa. Tahimik nalang ako umiyak habang pinagmamasdan ko sya.

"Sa mahabang pagtulog mo alam ko mapapahinga ka sa lahat ng nararanasan mo. Wag mo lang sana makakalimutan gumising para sa anak mo. Hihintayin ka namin lahat na nagmamahal sayo." patuloy ko pa rin.

Naramdaman ko pumasok si Dad at Marquise. Kinausap sila ni doc. Mabilis ko pinahid ang luha ko at bumitaw sa kamay ni Airam.

"Pa anong sabi ng doctor?" tanong ko.

"Anak umuwi ka na muna. Andito naman si Marquise para magbantay sa asawa nya." utos ni Papa. "Magpahinga ka na muna."

Tumango ako. "Wag na wag ka gagawa ng kahit ano kay Airam." banta ko kay Marquise bago lumabas.

Dumiretso ako kay baby Mariam para icheck sya. Sakto kakacheck lang ng doctor. Alam nya ang nangyari kay Airam kaya doble bantay sila sa bata.

"Doc kamusta na po si baby?" tanong ko, pakiramdam ko ako talaga ang ama ni Mariam.

"Bumubuti ng kalagayan nya. Malakas na sya at malusog. Salamat sa Diyos at pagnagpatuloy ito maari na syang maiuwi. Isang himala talaga ang nangyayari. Magtuloy tuloy na sana ito." masayang balita ng doctor.

Ngumiti ako tanda ng kasiyahan kahit sa kabila ng nangyari kay Airam hindi pa rin nakakalimot ang Diyos.

"Mabuti naman po kung ganoon. Salamat po doc." saka nagpaalam ang doctor.

Lumapit ako sa anghel na tulog ngayon.

"Baby sana magpagaling ka na. Pasensya ka na wala ako nagawa para kay Mommy mo hindi ko napigilan ang mga nangyari. Alam ko mahirap na hindi ka nya maalagaan ngayon dahil mahimbing sya natutulog. Pero sana baby magpagaling ka ng tuluyan ha. Matutuwa si Mommy mo kapag tuluyan ka ng gumaling. Mahal na mahal ka nya higit pa sa sarili nya. Mahal na mahal ka rin namin. Ako muna ang magaalaga at magbabantay sayo at si Manang." naluha ako habang kausap ko ang maliit na anghel sa harapan ko.

Alam ng Diyos paano naghihirap ang damdamin ko. Hindi ako susuko. Dodoblehin ko pagdarasal para sa kanilang magina. Gagawin ko ang lahat para maalagaan sila.

Lahat gagawin ko.

Dahil mahal na mahal ko sila.

Kahit hindi sila saken...

SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon