CHAPTER 7

62.1K 681 6
                                    

Halos hindi ako nakatulog pagbabantay sa kilos ni Marquise. Ayokong magising na wala na sya sa tabi ko. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na aalis sya para lang makasama yun babae nya. Masaklap lang at mabigat sa loob ko kasi kahit anak namin di nya na naisip.

"Babe..." tawag saken ni Marquise habang nagluluto ako. niyakap nya ko mula sa likod at saka ipinatong ang ulo nya sa balikat ko.

"Hmmm..."

"Aalis nga pala ako mamaya. May flight ako. One week. Business trip alam mo na. Ayaw kasi nila pumayag na magpadala nalang ako representative, ang gusto nila na ako mismo ang naandon." pagpapaalam nya saken.

Natural hindi ako naniwala dahil narinig ko ang totoong dahilan nun naguusap sila ng babae nya.

"Ganun ba? Matagal ata yan one week. Kailangan ka kasi pagbalik namin sa pedia eh checkup na ni baby mariam. Alam mo naman situation nya diba. Natatakot ako." naluluhang pakiusap ko.

"Pero importante ito babe, babawi ako pagbalik, regular akong tatawag para icheck kayo." pagpipilit nya, kaya nainis na din ako.

Hinarap ko sya.

"Hindi ba mahalaga sayo ang lagay ng anak natin? Wala na ba ibang mahalaga sayo kundi puro trabaho o baka iba na tinatrabaho mo?" pagdadamdam ko.

"Sorry babe alam mo naman importante trip to. Promise tatawag ako, wag mo na ako pagisipan ng di maganda, wala akong ginagawang masama." sabe nya pa.

"O-okay. K-kung wala na ako magagawa. S-sige." parang may bikig sa lalamunan ko at hirap akong makasagot sa kanya dala ng sama ng loob, pinatay ko ng stove iniwan ko sya at tinalikuran na saka ako dumiretso sa kwarto.

Mas pipiliin nya pa talaga ang babae nya kesa samen na pamilya nya. I dont have any guts to leave him dahil sobrang mahal ko sya. Mas nauuna rin sa isip ko ang anak namin, ayokong lumaki sya sa broken family. Di ko pinapahalata na alam kong panloloko nya. Mabait pa rin ako sa kanya. I want to save our family.

UMALIS sya kasama ang babaeng yun. hDi sya tumatawag. Tatlong araw na ang nalipas pero di sya nakakaalala. Masaya siguro sila sa piling ng isa't isa...

"Doctor kamusta po ang lagay ng anak ko?" tanong ko kay Dr. Ferdie ang pedia ng baby ko.

"To tell you honestly Airam. Kailangan natin sya iadmit at iconfine. Kailangan mabantayan syang mabuti. Mas nahina ang puso nya habang natagal. Kaya kailangan bantayan sya mabuti. Iadmit na natin sya ngayon para makaiwas sa kahit anong komplikasyon." pagpapaintindi ni Dr. Ferdie saken.

Nanlamig ako halo halong emosyon ang naramdaman ko sa mga sinabi nya bigla ang ragasa nun kaba at takot pero isa lang ang nakatatak sa isip ko.

Ayoko mawala ang anak ko. Sya lang ang buhay ko. Sya lang ang natitira saken.

Pinagbagsakan na talaga ko ng langit.

Ganito ba talaga ako kamalas?

Tumango ako kay Dr. Ferdie. "S-sige doc kung yun ang nararapat gawin, wag nyo po pabayaan ang anak ko. S-sya ang lahat lahat saken." pagsangayon ko.

Panginoon wag nyo po pababayaan ang anak ko. Nagmamakaawa po ako.

SELFLESS WIFE 1 (COMPLETED) former BATTERED WIFE REVENGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon