Sa sobrang saya ko,
Di ko na mamalayan
Nahanap ko na ang Magmamahal sa akin ng Totoo.
Nahanap ko na ang taong bubuo ng pangarap kasama ako. Nahanap ko na yung taong magpapangiti sa akin tuwing gigising ako sa umaga, Nahanap ko na yung taong hanap hanap ko agad pag di ko nakikita.Pero mukhang may problema, Isang aksidente ang nangyari.... Hindi ka makaalala. Halos tumulo ang aking luha, Nagaalala ako. Gusto kitang Lapitan pero panay sabi mo sa akin panay pasakit mo sa akin, Di mo ako kilala. Halos madurog ang puso ko. Di ko na ata kaya.
Pero kahit pagod ako, Kahit pagod ako, Di ako susuko. Dahil alam ko sa sarili ko na kahit nakakalimot ang isip nakakaramdam ang puso.Di mo maiisip kung sino ako pero mararamdaman mo din na ako yung minahal mo.
Di mo maiisip na yakapin ako. Pero mararamdaman mo ang matatamis na halik ko.
Di mo maiisip na hawakan ang kamay ko pero mararamdaman mo na mahigpit ang pagkakahawak ko sa pangako ko sayo na di ako susuko.
Kahit makita kitang nahihirapan. Kahit nasasaktan ako pag nilalayuan mo ako.
Kahit diko na ramdam ang yakap mo. Kahit pinagkakait mo sa akin ang halik mo at kahit di mo maalalang minahal kita minahal mo ako. Di ako susuko sayo. Dahil alam ko darating ang araw maaalala mo pa din ako. Di ako susuko sayo. Dahil alam ko darating ang araw mamahalin mo ulit ako. Di ako susuko sayo. Dahil alam ko na darating ang araw mahahawakan ko ulit ang kamay mo at mararamdaman uli ang yakap mo. Di ako susuko sayo. WALA NA AKONG PAKIELAM KUNG ANO ANG NASA ISIP MO. ANG MAHALAGA AY ANG SA PUSO NG TAYO. 💔💔💔******
/Author's Note/
Okay. Ito yung Pangalawang pyesa ko. Pangalawa kong ginawa. Ang drama no? Hahaha! Yung Pang una kong pyesa kasi di ko pa makuha yung copy. Seriously, di ko kabisado! Hahaha! Sulat lang, type lang walang kabisa. Hahaha. May pake kayo? Hahaha. Joke! ❤ Sana nagustuhan niyo and sana magustuhan niyo pa ang mga susunod pa! Hehe don't worry madami akong pyesa dahil di ako tumitigil sa pagsulat ng Tulang may Hugot. Ok. Thank you! 😘--
Vote. Comment. Share. Guys :)
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoesiePara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.