Sa araw araw, gabi gabi ng aking pag luha. Ikaw lang ang laman ng isip ko. Tinatanong ang sarili kung bakit nagawa mong iwan ang tulad ko. Kung bakit nakaya mong bumitaw sa isang iglap at itapon ang lahat lahat. Kung bakit ka nangako nang di naman natupad. Kung bakit binigay ko pa lahat. At kung alam ko lang na magkakaganito. Sana una palang di na natin sinubukan. Di na ko nagpadala sa pagmamahal ko sayo. Na sa bawat yakap mo Sakal na sakal ako. Na sa bawat pag halik mo, pait ang ramdam ko. Sa bawat pag hawak mo sa kamay ko sugat na sugat ako. At sa bawat na "Mahal kita" na lumalabas sa bibig mo, hindi ngiti, kundi luha ang natatamo ko.
Mahal, Hindi ako laruan na libagan mo lang. Hindi ako pagkain na pag katapos mong pag sawaan itatapon mo lang. at hindi ako damit na pag may bagong uso papalitan. Nasaan. Nasaan ka noong mga araw, gabi na umiiyak ako, Naghihinagpis at nasasaktan ako. Tapos ano, Babalik ka lang, Mahal mo lang ako pag may kailangan ka lang. tapos pag nakuha mo na ang gusto mo ikaw tong nangiiwan .
Sa buong buhay ko na umiyak ako. Ikaw yung pinakamasakit. Na sa tuwing nakikita kita pilit ako ng pilit. Pinipilit ko na tanggapin ka pa din, mahalin ka pa din, kahit na ang isang tulad ko ay di mo na kayang mahalin, aaminin at aaminin padin... Sa sarili ko na ikaw at ikaw ang hanap hanap nito ikaw ang sinisigaw ng puso ko. Pero ang masakit, Nagmamahal ka habang masaya siya sa iba. Lumuluha ka habang may nagpapasaya sa kanya. Nagiisa ka habang nag papaka saya siya. Nagpapakabulag ka habang nagpapakamanhind siya. Nagtitiis ka kahit ang simpleng pag intindi sayo di niya magawa. At siya naman. Nangangako siya habang naniniwala ka. Nagpapakasaya siya sa iba habang nag papakatanga ka. Nagsisinungaling na pinapatawad mo pa. Ginagago ka na Kinikilig kapa, at Habang kumakapit ka, siya pabitaw na.- Rconpash ❤
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoetryPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.