Ilang araw, Ilang gabi akong hindi mapakali.
Hindi ko magawang hindi ka isipin.
Sa pag gising, Sa pag kain, sa pag-tulog, puro ikaw.
Pero ano nga bang silbi ng lahat ng pag-isip at pagbuhos ko ng oras sayo kung pilit akong nakagapos sa isang tanong, mahal mo pa ba 'ko?Kinikimkim ko nalang.
Kunyare ayos lang ako,
Kahit na nasa punto na tayo na ako nalang yung halos may oras sayo.
Ako nalang ang naglalaan ng mga bagay bagay, hinahayaan nalang kita kahit minsan ramdam ko na mahal mo lang ako kapag may kailangan ka.
Ang sakit diba?
Na halos araw araw pasan ko ang bigat, pasan ko ang sakit, pasan pasan ko yung puso mong bato at pilit parin akong naghahanap ng sagot,
mahal mo pa ba 'ko?Mahirap ituloy ang relasyon na 'to kung di naman ako ang laman ng puso mo.
Kaya pakiusap, maglaan ka naman ng mga salita.
Ilahad mo sa akin mula sa simula.
Mahal mo pa ba 'ko? O tama na?
Hayaan mo nalang akong masaktan.
Kesa ituloy pa natin kung wala namang pupuntahan.
Halata namang hindi mo na ako mahal.
Iba na ang laman niyan.
Kaya tama na, ayoko ng makipag lokohan.
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoesíaPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.