Sa pagsara ng aking pinto, Napakadilim. Napakadilim dahil sa wakas naka alis ka na din, at kailanmay hindi ko na muling papasukin. Nagsisisi ako, Kung bakit pa kita pinapasok nung kumatok ka sa pintuan ko. Dati akala ko isang tao ang magbibigay liwanag dito sa tahanan na ito. Pero Nagkamali ako. Nagkamali ako kasi pinapasok kita yun pala'y nanakawan mo lang ako, Ninakaw ang puso ko tapos ibabalik mo sa akin ng hindi kumpleto?! Ninakaw ang pagmamahal ko tapos hindi mo susuklian ng buo?! Sana sumaya ka sa tahanan ko. Sana naging masaya ka sa mga ginawa mo. Sana naging masaya ka sa pagpapakatanga ko.
Pero bakit, bakit bumabalik ka padin? Bakit kumakatok ka pa din? Ang mga tenga ko'y tinatakpan ko na ng unan para di ko marinig ang mga katok mo, pero bakit di ko magawa ito bakit naririnig padin kita. Ayoko na sayo. pero bakit patuloy ka pa ding kumakatok sa pintuan ko? Oo nga pala, May bintana pa. Pero bintana lang yan hindi maaaring pasukan dahil ginagamit lang ito upang tanawin! Tanawin ang taong sumira sa aking damdamin, Kung pipilitin mong buksan ang bintana wag mo ng subukan dahil hanggang tanaw ka nalang.
kung pipilitin mong kumatok ng malakas sa aking pintuan wag mo na subukan dahil hinding hindi na kita pagbubukasan, kasi natatakot ako, at gusto kong lumayo sa taong sumira sa pagkatao ko, sa taong sumira ng tiwala ko, at sa taong sinayang lang ang pagmamahal ko.
Wala na, wala na, wala na. Yung kandado at susi na ibinigay ko sayo, isinoli mo na sa akin diba? Pero bakit binabawi mo pa? Siguro di ka pa tapos na paglaruan ako, di ka pa tapos na gawing tanga ako, Pero patawad, Kasi di na ako yung tatanga tanga na nakilala mo, Di na ako bulag na dating hinahayaan mo. Magdusa ka ngayon. Kasi sinayang mo lahat ng panahon.
Nakakaawa ka mang tignan sa tuwing kumakatok ka sa aking pintuan wala akong pakielam, kasi ganyan din ang pakiramdam ko nung ako'y iyong ninakawan. LUMUHA, NASAKTAN, NAGMAHAL AT INIWAN.Ikaw naman ang unang lumisan diba? Ikaw naman ang unang nag bukas ng pinto paalis dito sa tahanan ko, pero bakit bumabalik ka pa? Wala ka namang nakalimutan kase kinuha mo na diba? Ninakaw mo na diba? Wag mo ng sayangin ang oras mo dahil sa ngayon, WALA NA AKONG PAKIELAM SAYO. Akin to, akin tong tahanan na ito, Ipinagkatiwala ko lang sayo, Pero anong ginawa mo, Sinira mo.
Sa pagsara ng aking pinto, Hindi ko pagsisisihan dahil ito ang gamot upang gamutin ang puso kong nasaktan. at sa wakas, Sa pagbukas naman ng aking bintana, Mayroon na akong natatanaw, mayroon na akong nakikitang papalapit sa aking pintuan, At sa wakas ito na ata ang tamang tao. Tamang pagkatiwalaan sa aking susi at Kandado.
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoeziePara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.