"Simula nang dumating ka"
Kumawala nako sa katahimikan.
Nagkaron narin ng liwanag ang kadilimang aking pinagmulan.
Abot tenga narin ang aking ngiti at mainit narin ang aking mga gabi.
Simula nang dumating ka, Ang kinagisnang mundo ko'y nagiba.
Simula nang marinig ko ang salitang 'Mahal kita', Naniwala nako sa pang habangbuhay nating dalawa.
Naniwala nako na mananatili ka.
Naniwala nako.Mabilis akong nahulog sayo. Ni hindi mo nga pinaghirapan ang matamis kong Oo. Mabilis mo kasing naparamdam. Naparamdam ang pagmamahal.
Lahat lahat ay napakabilis.
Ang pagsikat ng araw, ang gabing malamig, at ng mga pangakong aking nadinig.Sobrang saya pag kasama ka.
Sobrang saya pala kapag may minamahal ka.
Sobrang saya pala na alam mong pag gising mo may isang taong alam mong mahal ka. Sobrang saya.
Na minsan iniisip ko kung panaginip 'to, sana hindi na dumilat ang mga mata ko.Bawat pagtakbo ng oras, bawat gabi at bawat pag sikat ng araw, Isa lang ang gusto kong nasa aking tabi, Ikaw.
Dahil simula nang dumating ka, pinaramdam mo sakin kung paano.
Paano sumaya, paano gumising ng may kilig sa umaga, Paano humawak ng mahigpit, paanong hindi magtanim ng galit, paano magmahal, Sana wala ng katapusan. Na sana hindi mangyari ang aking kinakatakutang pag-iwan.
Sana hindi ka bumitaw sa ating pinanghawakan.
Sana hindi lumamig ang hangin.
Sana manatili kang akin.
Dahil simula nang dumating ka, Ang mundong pinasok natin ay ayoko ng lisanin.Pero isang gabi ang nakapagpabago sa lahat. Isang gabing tahimik at malamig ang sa aking nagpasakit.
Nang hawakan ko ng mahigpit ang kamay mo hindi ka kumapit.
Imbis na hawakan mo to, imbis na hawakan mo, Binitawan mo ang kamay ko. Tinanong kita, tinanong kita kung bakit pero sabi mo wala lang. Pero teka nga? Pwede bang maging wala ang biglaan?
Pinilit ko, pinilit kita, hanggang sa maluha nako kakatanong kung anong problema. Nakita moko. Nakita mo ang pag agos ng luha sa mata ko. Niyakap mo ko. Niyakap mo ko ng mahigpit at duon gumaan ang pakiramdam ko.
Yakap mo lang ako. Yakap mo lang ako ng mahigpit.
Sa mga sandaling iyon ayoko ng kumawala, pero muli akong naluha ng kumalas ka at sinabi mong, HINDI KA NA MASAYA.
Pinunasan mo ang luha ko, at sinabi mong kalimutan na kita.
Hinalikan mo ang noo ko, at pinahiwatig mong mamamaalam kana.
Muli mo kong niyakap. Isang napakasakit na yakap. Yakap ng paalam na. Bumulong ka sa aking tenga at sinabing, 'MASAYA NA KO SA IBA'.Hindi ko na napansin ang paglabas mo sa pinto.
Nakatulala lang ako, lumuluha. Wala akong pakielam sa lahat, Dahil ang tanging naririnig ko ay ang mga sinabi mo. Ang tanging nararamdaman ko ay ang huling yakap mo at ang kamay mong dumampi sa pisngi ko habang pinupunasan ang tumutulong luha galing sa mata ko.Sa mga salitang binitawan mo, sa mga yakap at paalam na natamo ko sayo, Gusto ko nalang maglaho.
Gusto ko nalang muling magpagapos sa katahimikan.
Gusto ko nalang na mabilis kitang kalimutan.
Gusto kong burahin ang mga nasimulan.Nalaman ko ang totoong kulay mo kaya iniwan mo ko sa dilim.
Na Ang dating abot tengang ngiti, naging ngiting palihim.Simula nang dumating ka,
Ang kinagisnang mundo ko'y nagiba.
Simula nang marinig ko ang salitang 'Paalam na', Sana hindi nako naniwala na pang habangbuhay tayong dalawa. Sana hindi nako naniwala na mananatili ka. Sana hindi nako naniwala.Kung anong bilis ng paghulog ko sayo siya ding bilis ng paglaho mo.
Kung anong bilis ng pagpaparamdam mo ng pagmamahal, siya ding bilis ng pagpapaalam.
Lahat lahat ay napakabilis.
Ang paglubog ng araw, ang gabing mainit at ang mga pangakong nagmistulang papel dahil napunit.Dati iniisip ko na kung panaginip yun, sana hindi na dumilat ang mata ko. Pero ngayong wala kana, Gusto ko ng magising. Dahil ang mundong pinasok natin, ngayon gusto ko ng lisanin.
Kung dati ay "Simula nang dumating ka" Ngayon, Sana pala hindi ka na dumating pa.
- Rconpash ❤❤
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PuisiPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.